Chapter 49

2242 Words

"GOV." Lumingon si Alexis sa kanyang likod nang may tumawag sa kanya. "Tara na po, picture na po tayo," wika nito nang magtama ang mga mata nila. Nginitian naman niya ang principal na tumawag sa kanya. Nasa isang publikong eskwelahan siya ng sandaling iyon. Personal kasi niyang inabot doon ang donation niyang mga computer sa nasabing eskwelahan na makakatulong para sa pag-aaral ng mga estudyante do'n. Nagpaalam naman siya kay Francis na kausap niya ng sandaling iyon. Pagkatapos niyon ay humakbang siya palapit sa mga ito. Sa gitna naman siya pina-pwesto ng Principal, katabi nito. Nagsilapitan na din ang ibang mga guro na naroon para sumama sa picture taking. Nakatatlong pose pa sila sa harap ng camera bago naman tinawag ng Principal ang ilang estudyante para sumama sa picture taking.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD