PASIMPLE silang nagpalitan ni Gov. Alexis ng tingin bago niya niyaya ang kapatid na lumabas na ng simbahan. Katatapos lang ng misa ng sandaling iyon and as usual ay nagsimba ulit silang dalawa. Routine na din kasi nila iyon at kahit na busy sila ay gusto oa din nilang magpasalamat kay Papa God sa panibangong araw na nalalagpasan nila. At sa mga blessing na dumadating sa buhay nilang dalawa. Mula naman sa gilid ng kanyang mata ay napansin din niyang humakbang na din si Alexis at ang mga kasama nito na lumabas ng simbahan. "Ate," mayamaya ay napahinto siya sa paglalakad ng marinig niya ang pagtawag ni Oliver sa kanya. Binalingan naman niya ito. "Bakit?" tanong niya ng magtama ang mga mata nila. "Saglit lang, may kakausapin lang ako," paalam naman nito. Bubuka sana ang bibig niya para

