NAPAKURAP-kurap ng mga mata si Olivia ng pagbalik niya sa cubicle niya ay may nakita siyang isang papercup na nakapatong sa table niya. May tatak ang paper sa isang kilalang coffee shop. Umupo naman na siya sa cubicle niya. At hanggang ngayon ay hindi pa din niya inaalis ang tingin do'n. Sino kaya ang naglapag niyon sa mesa niya? Hindi naman niya napigilan na itanong iyon sa sarili. At mayamaya ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti nang ma-realize niya kung sino ang posibleng naglapag niyon sa table niya. Mukhang dumating na si Governor Alexis sa kapitolyo. Late na kasi itong pumasok dahil may pinuntahan ito. Alam niya iyon dahil nakalagay iyon sa cubicle nito. At hindi niya napansin ang pagdating nito dahil nagpunta siya sa banyo. Inalis ni Olivia ang tingin do'n at nag-

