Kabanata 2

1311 Words
DALA-DALA ko ang labahin papuntang ilog habang tirik na tirik ang araw. Katatapos ko lang kumain ay diretso na agad ako sa ilog upang maglaba ng mga damit nila Tiya. Sa susunod ko na lang lalabhan ang sa akin dahil mas lalong dadami ito at mas matagal akong matatapos. Bibilisan ko ang paglalaba dahil gusto kong magpahinga at masakit ang likod ko sa pagtatanim ng palay. Bawal akong mag-reklamo. Pagagalitan ako ni Tatay at ayokong marinig ang sermon ni Tiya Olivia. Dahil tanghaling-tapat ay walang tao sa ilog ngunit naiwan ang mga labahan ng mga tao, siguro'y umuwi sila at nananghalian. Pumili ako ng pwesto sa may bandang gitna na may madaming bato. Nilagay ko ang palanggana doon at umupo sa bato na medyo malapad. Nagsimula na akong banlawan isa-isa ang nga damit at saka ko pa gagamitan ng sabon. Mabuti na lang at puro de-kolor ang lahat, kaya siguradong mabilis lang akong matatapos. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabanlaw ng makita ko ang panty'ng may dugo. Kung kanino man ito, ay hindi ko alam. Nasanay na ako dahil palagi naman akong nakakapaglaba ng ganito. Habang sinasabon ko ang mga damit ay naalala ko si Nanay. Ganito rin kaya ang buhay ko kung andito siya? Ganito pa rin kaya ako tratuhin ni Tatay? O mas mamahalin ba niya ako. Ako ang sinisi ni Tatay sa pagkamatay ni Nanay. Kung alam na magiging miserable pala ang buhay niya kung wala si Nanay. Sana... sana ako na lang ang nawala at hindi si Nanay. Akala ko magbabago si Tatay ng pakasalan niya si Tiya Olivia. Pero hindi rin naman pala. "GG!" bumaling ako kung saan nanggagaling ang boses. Si Amalia iyon at kumakaway sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko dahil wala naman siyang dalang labahin. Umupo siya may batohan ay nilublob ang paa sa sapa. "Nakita ka ni Mama na papunta dito. Nagtataka siya kasi kagagaling lang nating magtanim, ito at maglalaba ka pa. Bukas mo na lang sana nilabyan yang mga damit mo." Aniya at napatingin sa mga damit sa palanggana . "Hindi sa akin 'to." Sabi ko Kumunot ang noo niya at umikot ang mata. "Para ka ng yaya sa sarili mong pamilya, GG. Hindi ka napapagod sa mga utos nila?" Tanong ni Amalia. Pagod na pagod na ako. Iyon ang totoo, ngunit wala pa akong magagawa sa ngayon at first year highschool pa ako. Gustuhin ko mang umalis sa amin at magtrabaho ay mahihirapan akong makahanap kong hindi man lang ako makapagtapos ng highschool. Kahit din naman makapagtapos pa ng highschool, kailangan ng mga kompanya ngayon ang may degree. Kaya, pagtatapusin ko muna ang sarili ko at saka ko na iisipin ang pagod. "Okay lang, Amalia. Saka na ako susuko kong hindi ko na talaga kaya." Malumanay kong sagot. "Kinakawawa mo ang sarili mo, GG. Samantalang 'yong tatay mo mas pinapaburan ang bago niyang pamilya't tamad na anak." Iritado niyang sabi. "Sinong kinakawawa? Si GG ba Amalia?" Pareho kaming napabaling sa paparating na babae. Si Chloe. Binigyan siya ni Amalia ng isang parang walang narinig na mukha. Hindi naman 'yon napansin ni Chloe at sa halip ay nilapag sa palanggana ang bagong mga panty na may mga dugo. "Pakisali na din ito. Nakalimutan kong ilagay sa labahan. Ayusin mo GG ha, yung walang matitirang dugo." saad ni Chloe sa akin. "Nakakahiya. Sa ibang tao pa pinapalabhan ang panty niyang may regla." bulong-bulong ni Amalia sa sarili pero malakas pa din ang pagkasabi niya at sigurado akong narinig iyon ni Chloe. Umisa ang kilay ni Chloe sa dako ni Amalia na sa tubig lang ng sapa ang tingin. "May sinasabi ka?!" sikmat ni Chloe. Napaangat ng tingin si Amalia sa kanya at ang mukha'y parang nagulat. "Ako? May sinasabi? Wala naman, ah. Baka guni-guni mo lang 'yon Chloe. Alam mo naman, tanghaling-tapat ngayon, maraming engkanto dito sa sapa." sabi ni Amalia at mukhang nag-iba ang etsura ni Chloe. Patingin-tingin siya sa paligid bago umalis agad ng walang lingon-lingon. Tumawa ng malakas si Amalia dahil kitang-kita ang takot sa mukha ni Chloe. "Ikaw talaga. Bakit mo naman sinabi 'yon kay Chloe?" Natatawa kong tanong. "Dapat lang 'yon sa kanya, no. Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon. Sariling nireglahan ay hindi pa malabhan! Nakakahiya." giit ni Amalia. Napatingin ako sa mga nilapag ni Chloe at bumuntong hininga. Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa paglalaba. Mabuti na lang at hindi umalis si Amalia dahil matagal bago nagsibalikan ang mga kapitbahay naming maglalaba din. Marami pa namang malalaking kahoy sa sapa at lagaslas lang ng tubig ang maririnig mo. Paminsan-minsan din sa dulo ng sapa na matatanaw mo ay dumadaan ang jeep papuntang bayan. Lahat kasi ng pumapasok dito sa baryo namin ay dadaan sa sapang ito. Wala naman kasing ibang pweding daanan. Alas dos na ng hapon na ako'y matapos at kasama ko pa rin si Amalia. "Uy. Salamat ha." sabi ko kay Amalia dahil tinulungan n'ya akong bitbitin ang mga labahan. "Wala yon, ano ka ba. Sige mauna na ako ha. Matulog kang maaga, may pasok tayo bukas!" saad ni Amalia at tumango naman ako. Gayong alas-siyete magsisimula ang klasi namin ay alas 4 pa lang, gising na ako. Kailangan pa kasi naming sumakay ng jeep papuntang bayan. Wala naman kasing paaralan dito sa maliit na baryo namin. Nagluto ako ng sinangag, nag prito ng itlog at tuyo. Naligo naman ako pagkatapos at saka na kumain. Alas 6 pa lang ay handa na ako. Kulay dark blue ang palda ko at puti naman ang pang-itaas na may necktie ding kulay blue saka may sapaw pang blacer. Sakto lang ang haba ng palda ko at hindi gaanong maiksi pero parang naiiksian pa din ako, kaya nag-suot ako ng cycling. Umalis ako sa bahay na tulog pa si Tiya at Chloe. Samantalang, nasa palayan naman si Tatay. "Amalia!" tawag ko sa kapitbahay. Lumabas si Amalia na ngumunguya-nguya pa. "Saglit lang, GG!" at bumalik siya sa loob. Ang takaw talaga ng babaeng 'to. Kung kaya't ang taba. Ilang sandali pa'y lumabas na siya. "Tayo na." aniya at lumakad na kami papuntang waiting shed upang hintayin ang jeep na dadaan t'wing 6:30 at alas 8 pa ang kasunod kaya hindi pweding makaligtaan namin. "GG, ang ganda-ganda mo pag suot mo na ang uniform natin. Mukha kang anak mayaman." si Amalia na nakatingin sa akin. Umiling ako at kinurot ang mabibilog niyang pisngi. "Sige, bolahin mo pa 'ko, Amalia. Oo na, pakokopyahin kita mamaya." lagi kasing ganito ang sinasabi niya sa akin sa t'wing my quiz kami kaya nasanay na 'ko. "Totoo! Walang biro 'yon, GG. Pero, salamat sa pakopya mamaya." sabay ngisi n'yang malaki. Ilang sandali pa'y dumating na ang jeep at agad kaming sumakay. Mabuti at hindi pa ito punuan. Kung hindi, ay sa bobong kami ng jeep sasakay. Nagkaroon nga kami ng quiz at pinakopya ko si Amalia. Mahina kasi siya sa math, pero magaling naman siya sa english. "Pasado 'yon sigurado!" si Amalia habang naglalakad kami papuntang canteen. "H'wag kang magagalit sa akin ha, kung pareho tayong itlog sa quiz." panunuya kong sabi. "Hindi 'yon! Ikaw pa, talino mo kaya sa math." pambobola n'ya sa akin. "ano bibilhin mo, GG?" tanong niya sa akin at umiling ako kaya napasimangot siya. "Simula no'ng mag-umpisa ang skwela ay hindi ka pa bumili dito sa canteen." lungkot niyang sinabi. Hindi naman kasi ako nagugutom dahil dinadamihan ko ng kain sa agahan para hindi ko na kailangang bumili ng snacks. Nag-iipon ako para sa pang kolehiyo ko, kaya magtitipid ako sa abot ng aking makakaya. Babawi na lang ako sa hapunan. "Alam mo naman di'ba na nagtitipid ako, kaya okay lang. Sasamahan na lang kita." "Halika na nga, ililibre kita. Basta, sisingilin kita pagkatapos nating mag college at nagka trabaho na tayo." aniya at hinigit ako papuntang canteen. Hindi na ako umalma pa dahil hindi rin naman iyon tatanggapin ni Amalia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD