"Naku nag-abala ka pa, Elton." magiliw na bati ni Tiya sa kanya ng makarating kami sa bahay.
"Wala po 'yon. Nadaanan ko lang po sila." aniya at tumingin siya sa akin bago pa ako pumasok sa kwarto ko.
Nadaanan? Nadaanan ba 'yong tumigil sa paaralan namin? Baka dinaanan. Bakit hindi niya sinabi ang totoo kay Tiya?
Matapos kong makapag bihis ay agad na akong nag saing habang dala-dala ko ang notebook ko dahil may assignment ako. Naupo ako sa mesa ng aming kusina at nakitang wala na sila sa sala. Baka sumama sila Tiya para tingnan ang bahay ng lalaki. Mas mabuti nga 'yon. Walang istorbo.
Madali lang ang assignment namin, lalo na at multiple choice ito. Seryoso kong binabasa ang aralin sa Filipino ng may biglang magsalita.
"Assignment?" nag-angat ako ng tingin at pinagsalubong ko agad ang kilay ko. Napaka pakialamero talaga ng lalaking 'to.
"Hmm." sagot ko at yumuko ulit upang sagutin ito.
"I can help-."
"Kaya ko."
"Baka may hindi ka maintindihan."
"Hindi ako bobo." sagot ko habang nakayuko pa rin.
"I just wanna help-."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo, at pakealam mo ba?" naiinis kong sagot sa kanya at nagpakurap-kurap siya sa sinabi ko.
"Ang sungit mo." aniya
"Dahil ang kulit mo. Hindi naman kita kailangan." sabi ko at inirapan siya bago pa ako yumuko ulit.
Hindi ko talaga maintindihan ang galaw niya. Kung bakit niya kami sinusundo ni Amalia sa skwelahan, at ngayon gusto niya pa akong tulungan sa assignement ko.
Paano kong tama si Amalia? Paano kong may gusto nga siya sa akin? Pinilig ko ang ulo ko at nag focus na lang ulit na sagutan ang assignment ko.
Nang mag-angat ako ng tingin para e-check ang sinaing ko ay nakitang wala na pala siya sa kinatatayuan niya kanina. Mabuti naman at umalis siya.
"Anong nangyari do'n? Bakit bigla na lang umalis?" naririnig ko si Tiya at parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.
"Hindi ko alam. Sabi, iinom daw siya ng tubig. Pero umalis naman agad." sagot naman ni Tatay.
"GG... anong nangyari kay Elton? Nag-usap ba kayo dito kanina?" tanong sa akin ni Tiya.
Nag-usap nga kami, pero siyempre hindi ko 'yon sasabihin. Hindi naman importante ang pinag-usapan namin.
"Hindi po kami nag-usap, Tiya." marahan kong sagot.
"Baka may emergency lang, Mama. Kaya nagmadaling umalis." sabi naman ni Chloe habang sinusuklay ang sarili at inayos niya ang nangangayayat niyang dibdib. Kung hindi lang siya naka push up bra ay para talaga siyang plywood.
"GG, 'wag mo kalimutan sabado bukas. Maaga kang gigising." saad naman ni Tatay at tumango ako.
Alas 4 pa lang ay gising na ako. Mas nauna pa ako kay Tatay. Suot ko ang lumang slacks na palagi kong ginagamit sa trabaho at pares ang sweatshirt ko.
Nagluto na muna ako ng agahan at nauna ng kumain. Pupuntahan ko pa si Amalia at baka matagal na naman 'yon magising.
"Kakapagod namang maging mahirap. Kailangan nating gumising ng maaga, mag trabaho ng maaga. Sana mabilis tumakbo ang panahon upang matapos na tayo sa college." sabi ni Amalia habang naglalakad na kami papunta sa palayan.
"Ayos lang 'yan Amalia. Kapag tumanda na tayo mas lalong mahirap dahil marami ng problema ang matatanda. Buti nga lang ito pa ang problema natin." giit ko.
"Ayos lang ako GG. Ikaw ang hindi. Parang kang katulong diyan sa bahay niyo. Kung napapansin mo lang." aniya.
Napapansin ko rin naman 'yon. Pero okay lang sa akin. Baka sakaling umayos ang pakikitungo sa akin ni Tatay. Baka pakitunguhan na niya ako gaya ng pakikitungo niya kay Chloe.
Malapit ng sumikat ang araw at nagsisismula na kaming magtanim. Ito na ang huling parteng tataniman namin. Marami kaming nagtatanim ngayon at kaming dalawa lang ni Amalia sa puwesto namin kaya malaya kaming pag-usapan ang kahit ano.
"Sa lunes GG pupunta tayo sa tailoring shop para ipagawa ka ng susuotin mo sa intrams." ani Amalia kaya napatigil ako sa pagtatanim.
"Huh? Bakit doon? Hanap na lang tayo ng pinaglumaan na damit, Amalia. Gastos lang 'yon." giit ko.
Kailangan kasi magsuot kami ng parang pang basketball na damit. Iyon kasi ang majority na gustong suotin ng iba pang muse.
"Hindi naman ikaw ang gagastos, GG. At hayaan mo na. Nag-usap na kami ni Joseph diyan." aniya at ngumiti sa akin.
"Nakakahiya na sa inyo, Amalia. H'wag na." saad ko sa kaibigan pero nagmadali itong umiling.
"May kapalit itong tulong ko siyempre." sabi niya. Babayaran ko naman talaga sila Joseph kung gagastos sila para sa akin.
"Babayaran ko kayo, pangako." sabi ko.
"Hindi pera ang gusto kong ibayad mo sa akin GG." giit ni Amalia at nakita kong kakaiba na ang ngiti niya.
Kung hindi pera, ano naman kaya?
"Ano?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Sabihin mo may Kuya Elton na ipakilala ako do'n sa kausap niya sa video call." aniya at humagikgik ito ng tawa.
Seryoso ba siya? Binigyan ko siya ng isang hindi makapaniwalang mukha.
"Ayoko! Hindi kami close no'n, Amalia." sagot ko agad.
Lumapit sa akin si Amalia dala-dala ang bangko niya.
"Sige na GG. Crush ko na 'yon, e. Ang guwapo kaya no'n." kilig na kilig niyang sinabi.
Napansin ko nga na guwapo ang lalaking iyon. Sino kaya 'yon?
"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi sa kanya na ipakilala ka?" suhestiyon ko sa kanya dahil nakakahiya 'yon para sa akin. At ayokong makausap 'yong lalaking 'yon.
Nalungkot ang mukha niya. "GG naman. Nakakahiya 'yon kung ako mismo ang magsasabi. Mas maganda kung parang ikaw 'yong gustong ipakilala ako sa kaibigan niya. Siyempre, hindi natin sasabihin na inutusan kita." aniya
Ngumiwi naman ako sa sinabi niya. Gano'n niya ka-crush 'yong lalaking 'yon para siya ang mag first move?
Pero sa dami ba naman ng nagawang kabutihan ng kaibigan kong 'to ay hindi ko kayang tanggihan siya. Kahit labag ito sa kalooban ko.
"Susubukan ko. Pero hindi ko ipapangako." sabi ko at natuwa siya.
"Thanks GG!" aniya at napailing na lang ako sa kaibigan.
Ang inaalala ko ngayon ay paano ko gagawin ang pakiusap sa akin ni Amalia. Ni hindi ko nga gustong kausapin 'yon. Pwede naman sigurong deretsuhin ko na lang siya 'di ba? Pero paano? Alangan namang sabihin ko 'yon agad sa kanya kapag nagkita kami.
Hirap na hirap akong isipin kung ano ba ang gagawin ko. Kahit hanggang sa klase ay nadala ko 'yon. Kaya ito, lutang.
"Georgina Girard. Are you listening?" sabi ng guro namin sa english. Dahil sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko man lang narinig si ma'am!
"Sorry po ma'am." sabi ko at may nagtaas ng kamay at tinuro iyon ni ma'am.
Pagod akong naupo sa upuan at napakamot sa ulo. Ang dali-dali lang namang gawin ng gusto ni Amalia. Pero ang laking problema na sa akin. Pati pag-aaral ko, nadidisturbo sa kakaisip!
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Joseph at binigyan ko lang siya ng isang pagod na ngiti. Siya kasi ang katabi ko sa english subject. Nasa malayong unahan naman namin si Amalia.
"May practice mamaya ang mga muse, magpe-present kayo ng isang dance number sa victory ball." saad ng guro namin.
Agad akong naalarma roon, dahil hindi ako pwedeng umuwi ng matagal at baka hindi na ako makasakay kay Kuya Mon.
"Ma'am pwede po bang bukas na ako sumali sa practice? Wala na po kasing masasakyan papunta sa amin 'pag lagpas alas-5 na." sabi ko. Ito talaga ang pino-problema ko dahil sa sobrang layo ng paaralan na 'to sa bahay namin.
Binigyan naman ako ng isang malungkot na mukha ng guro namin. "Kailangan mong um-attend sa practice, Georgina. Ikaw ang representative ng silid na ito. Gumawa ka ng paraan para diyan. Class dismissed." aniya at bumagsak ang balikat ko.
Lumapit naman agad si Amalia sa akin.
"GG, paano na 'yan?" nag-aalala niyang tanong.
"Ihahatid na lang kita pagkatapos ng practice niyo, GG." sabi ni Joseph.
"Ihahatid?" sabi ko.
Tumango siya. "May motor ako. Uuwi ako agad ngayon at babalikan kita agad dito." ani Joseph.
"Ayon naman pala e. So, mauuna na akong uuwi GG. Sigurado akong hindi tayo kakasyang tatlo sa motor." sabi ni Amalia at napatingin siya sa sarili niya at bahagyang tumawa.
Nakakahiya mang tanggapin ang offer ni Joseph pero iyon lang ang paraan. Siya naman ang may kasalanan kung bakit ako napili maging muse kaya siguro siya nag offer.
"Sige... payag na ako. Pakisabi na lang kay Tatay, Amalia na may practice kami." sabi ko at nag thumbs up siya at ngumiti.
"Sige uuwi na rin ako, GG. Babalikan kita rito mamaya." si Joseph at tumango ako. Sabay na sila ni Amalia papalabas ng skwelahan.
Sana lang hindi magalit si Tiya na hindi ako ang magluluto ng hapunan. Sigurado akong nasa palayan pa ngayon si Tatay kaya si Tiya ang magluluto.
Nagsimula na kaming mag practice ng sayaw kasama ang mga muse sa ibat-ibang section at baitang. Hindi naman mahirap ang steps kaya madali ko lang nagaya iyon.
Matapos kaming nag practice ay kanya-kanya na kaming nagsialisan at nagtaka ako kung bakit wala pa si Joseph.
Dumaan ako sa classroom namin at baka nando'n siya naghihintay sa akin, pero wala. Sarado na ito. Kunti na lang ang estudyante sa paligid dahil nagsiuwian na.
Naisip ko, na baka nasa waiting shed si Joseph kaya dumiretso na ako roon. Pero wala rin. Nagsimula na akong kabahan dahil dumidilim na. Nasaan na kaya siya?
Mas lalo pa akong kinabahan ng biglang umulan ng napakalakas. Napapikit ako dahil do'n. Paano na ito. Kahit pa nandito si Joseph ay hindi pa rin ako makakauwi dahil babaha na sigurado ang sapa at hindi na kami makakatawid pa, lalo na at motor ang gagamitin niya.
Mas lalong dumilim ang paligid dahil sa lakas ng ulan at marami kaming nasa waiting shed. Kasama ko ang ibang mga muse.
"GG!" narinig ko ang pamilyar na boses at nakitang si Joseph iyon. Naliligo sa ulan, tumatakbo at naka damit pang bahay.
"Anong nangyari? Bakit ka naligo sa ulan?" nagtataka kong tanong sa kanya. Wala naman akong makitang motor.
Nalungkot ang mukha niya sa tanong ko. "Nasiraan ako GG. Ando'n sa auto shop ang motor iniwan ko muna para puntahan ka. Mukhang matatagalan kasi." aniya.
Paano na ako makakauwi nito? Saan ako matutulog? Siguradong magagalit sila Tatay kung hindi ako makakauwi.
Abala ako sa pag-iisip ng paraan kung paano ako makakauwi ng biglang may bumusina sa kabilang daan. Nakita ko roon ang pamilyar na sasakyan.
Bahagya akong nabuhayan ng loob dahil do'n. Lumabas siya sa sasakyan kahit pa malakas ang ulan. Tinakbo niya agad ang kinaroroonan ko.
Hindi ko alam kung masyado bang malakas ang ulan kaya't ang lakas ng dating niya habang sinusuong niya ito.
Parang bumagay sa kanya ang pagkabasa sa ulan.
Nang marating na niya ang waiting shed ay agad niyang hinubad ang coat niya at inilagay sa ulo ko iyon.
"Let's go." aniya at inalalayan ako patakbo sa sasakyan niya. Dahil sa sobrang pagkamangha ko sa ginawa niya ay nakalimutan kong magpaalam kay Joseph!
Hindi ako masyadong nabasa dahil sa coat niya. Kung kaya't siya itong basang-basa ngayon.
Bakit ganito ang nakikita ko? Bakit ang hot niyang tingnan gayong basa siya? Mas lalo lang dumagdag nang ginulo niya ang buhok niya. Unti-unti rin siyang naghubad ng damit kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.
"Relax... magpapalit lang ako ng damit." aniya habang natatawa ito.
"Alam ko." sa isang matigas na boses kung sinabi.
"Tapos na." sabi niya at dahan-dahan akong bumaling sa kanya. Naka puting tshirt na lang siya ngayon. Minaniubra niya ang sasakyan niya pero pabalik ito sa ibang direksyon at nagtaka ako roon.
"Saan tayo pupunta?" alarma kong tanong.
Hindi ito papunta sa amin! Papunta itong bayan!
"Sa hotel." aniya ng hindi ako tinitingnan.
"Ano?!"