Mayamaya pa nang mapapikit ako upang namnamin ang kapayapaan ko sa bisig ni Kidd. Tila ba lulan ako ng langit, naging musika rin sa tainga ko ang paulit-ulit na pagtibok ng puso niya. "Sige na, sumunod ka na sa kanila. Mas una mo silang nakilala kaysa sa akin, kaya nirerespeto ko iyong pagkakaibigan ninyo." Iyong ang rason kung bakit nagpatuloy ang gabing iyon sa kalokohan nina Olivia at Thea. Umabot pa kami ng ilang oras hanggang sa matulala na lang ako sa sobrang bangag. Umalingawngaw ang malakas na pagtawa ni Olivia, sumasayaw pa ito sa paraang si Bong Revilla sa salin ng budots dance. Samantalang si Thea ay panay naman ang twerk, saka niya yuyugyugin ang dibdib na parang nang-iinggit. Nagmistulang may showdown ang dalawa habang naroon sila sa harapan ko. Sa sobrang kalasingan ko ay

