Kulang na lang ay madulas ako sa pagkakaupo ko at ako mismo ang magngudngod sa sarili ko sa kaniya. Dala ba ito ng alak? Pero hindi ako lasing, alam ko kung kailan ako lasing. Pero sadyang nakakahibang lang talaga ang presensya ni Kidd, lalo ang mga mumunting mga bagay na ginagawa niya sa akin ngayon. Iyong pakiramdam na may paru-paro sa tiyan ko, kasabay nang pagputok ng mga fireworks sa kaibuturan ko. Mayamaya pa ay umangat ang isang kamay ni Kidd papunta sa pisngi ko, masuyo niya iyong hinaplos. Kapagkuwan ay hindi na nito nahintay ang sagot ko dahil wala nang sali-salitang inilapit niya ang mukha sa akin. Saglit lang nitong pinaglapat ang mga labi namin, na hindi ko pa man nagagawang pumikit ay lumayo na siya kaagad. Gamit ang malalamlam na mga mata ay pinakatitigan niya ako. Kulan

