Chapter 67

1099 Words

"Bakit kayo nandito?" tanong ko, hindi nagtagal nang ako rin ang bumasag sa katahimikang namumutawi sa amin ni Jasmin. "Ayain ka sana namin mag-shopping," sagot ni Olivia. Bago pa man ako makaangal ay mabilis na nitong nahila ang isang braso ko, saka niya inilingkis ang kamay sa akin. Ilang beses pa itong nagpa-cute sa akin, iyong palaging ginagawa niya para hindi ako tumanggi. "Sige na, beshie. Mamimili lang tayo ng pwedeng panghanda sa birthday ni Jasmin, tulungan mo ako. Pwede mo rin isabay ang ireregalo mo sa kaniya." Nginitian ako nito, kalaunan nang mapabuntong hininga na lamang ako. "All right." Tumango pa ako bilang pangsang-ayon sa gusto niyang mangyari. "So, tara na?" Alanganing tumango si Jasmin, maging ako ay nagdadalawang-isip pa rin kahit pumayag na ako. Paano si Kidd?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD