"Iyon naman talaga ang balak ko. Hindi ko naman masikmura na malamang mayroon akong babymaker." "At least nagkakaintindihan tayo sa parteng iyan." Tumango-tango ito, kapagkuwan ay naupo sa katapat kong upuan. "Mayroon ka bang terms and condition? Gusto kong mas maliwanagan pa, kung bakit kailangan mo itong gawin?" Sandali akong hindi nakaimik, iniisip ko pa kung tama bang banggitin ko sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit ako napipilitan na pasukin ang sitwasyong ito. Dapat ko bang sabihin na mukha akong pera at gusto kong mapunta sa akin ang mana ni Lolo? Well, bakit pa nga ba kailangan kong magsinungaling at itago iyon? Bumuntong hininga ako, pilit kong hinahabol ang kinakapos kong paghinga. Samantala ay nananatiling nakatitig sa akin si Kidd habang maang na naghihintay ng sagot

