Kinagabihan ay hindi nanaman pinakain ni Tiya Miding si Lily dahil sa di malaman na dahilan. Galit na galit pa din siya sa dalagita. Kaya naman dumating si Kuya Gerald para tumulong kay Lily. Muli ay dinalhan niya ito ng pagkain sa loob ng kwarto niya na palihim. "Lily, heto na kumain ka na. May tinolang manok kanina at ito ang natira. Pasensya ka na talaga kay nanay ha?" sabi ni Kuya Gerald kay Lily "Ayos lang Kuya Gerald, sanay naman na ako kay Tiya Miding. Kahit na ganun siya ay nirerespeto ko pa din siya dahil tiyahin ko siya." sagot ni Lily kay Kuya Gerald Pinatong ni Kuya Gerald ang ulam at kanin sa kama ni Lily at tinulungan niya itong makakain pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya. "Kahit naman ako ay sanay na kay nanay. Palagi niya akong pinapagalitan kahit wala akong ginagawa

