Kinabukasan, papasok na sana si Lily nang biglang hinarang siya ni Tiya Miding. Labis na pagtataka ang namuo sakanya. Bakit naman kaya siya haharangan nito eh papasok na siya? "Tiya Miding, papasok na po ako. Kung pwede po ay makikiraan po ako." sabi ni Lily na takang-taka pa rin sa kinikilos ng tiyahin niya "Sino naman ang nagsabi sa iyo na papasok ka ngayon? Aba hija, paalala ko lang. Hindi ka na papasok kailanman sa eskwelahan na iyon. Alam mo kung bakit?" sagot ni Tiya Miding kay Lily "Ha? Bakit po hindi na ako papasok tiya? Paano na po ang pag-aaral ko ngayon? Hindi po ako pwedeng tumigil dahil kailangan ko pong panatilihin na mataas ang mga grado ko. Papasok na po ako tiya." sabi ni Lily nanaluluha na "Hindi ko hahayaan na malaman ng guro mo ang nangyayari sa iyo dito sa bahay ka

