After a few months Habang may inaayos sa kotse si Gerald ay nagulat siya nang biglang sumigaw si Lily. Mukhang manganganak na ito kaya agad siyang pumasok sa loob para tingnan ang kalagayan ni Lily. "Babe, manganganak na yata ako. Ang sakit na, parang lalabas na siya! Ahhh, hindi ko na kaya, dalhin mo na ako sa ospital!" sigaw ni Lily kay Gerald "Sige babe, aayusin ko na ang kotse ha. Kumalma ka lang, hinga kang malalim ha. Wait lang!" nagmamadaling sagot ni Gerald kay Lily "Paano ako kakalma eh sobrang sakit na ng tyan ko? Bilisan mo na baka dito pa lumabas yung batang 'to!" sigaw ni Lily kay Gerald Kumaripas ng takbo si Gerald papunta sa kotse at inayos na niya ang baby bag ni Lily. Dali-dali niyang inalalayan si Lily papunta sa loob. "Bilisan mo, hindi ko na kaya babe! Sobrang sak

