After 4 months Apat na buwan na ang nakakalipas. Medyo malaki na rin ang tyan ni Lily. Habang lumalaki ito ay lalong na-eexcite si Lily sa pagiging ina. Okay naman sila ni Oliver pero minsan ay hindi rin naman maiiwasan ang di pagkakaunawan ng magnobyo. Lalo na ngayon na hindi sang-ayon ang nanay ni Oliver sa pagiging batang ama nito. Mag-isa lang kasi na anak si Oliver kaya mataas ang expectation ng mga magulang nito sakanya. "Neng, paki-abot naman yung nasa taas oh? Yung tupperware doon, paglalagyan ko kasi ng ulam eh." sabi ng nanay ni Oliver kay Lily "Ha? Bakit po ako? Ipapautos ko na lang po sa kasambahay." sagot ni Lily at aktong tatawag na ng kasambahay pero pinigilan siya ng nanay ni Oliver "Neng, madali lang naman yung inuutos ko eh. Ikaw na lang gumawa, andito ka na rin lan

