Dali-daling pumunta ang dalawa sa kwarto ni Lily. Nakalimutan yata nilang nag-ayos na sila kanina sa labas ng ospital. Parang silang mga batang nagpapaunahan sa finish line. Hindi alam ng dalawa kung ano ang magiging reaksyon nang makita si Lily na gising na at nakatingin na sakanilang dalawa. Gulat na gulat naman si Lily nang makita ang nobyo na si Oliver. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Ayos na ba ang baby natin?" tanong ni Oliver kay Lily Agad namang nagtaka si Lily kung bakit nasa loob ng ospital si Oliver eh si Gerald lang naman ang kasama niya nung pumunta siya doon. Natatakot tuloy siya na baka sa puntong ito ay magalit na ang dalawang lalaking naging mahalaga sa buhay niya. "B-bakit ka nandito sa ospital? Hindi na tayo nag-uusap ah, paano mo nalaman na nandito ako? Sinabi ba sa

