Galit na galit pa rin ang matandang lalaki kina Gerald at Lily. Pumasok na sila sa loob ng bahay kahit na puno pa rin ng tensyon. "Dyan muna kayo, kakausapin ko lang ang asawa ko. Gerald at Lily, aayusin natin ito ha? Pangako ko iyan sa inyo." sabi ng guro nila "Sige po, Mama. Ako na po ang bahala kay Kuya Gerald. Kausapin niyo na po ang asawa ninyo para maayos na po ito." sagot ni Lily At umalis na ang guro ni Lily para kausapin ang asawa nito na nagpupuyos sa galit. Samantala, kasama naman ni Lily si Kuya Gerald niya. "Mali yata na dito tayo pumunta.. Napakasama ng matandang lalaki na iyon. Ano kaya kung umalis na lang tayo dito?" sabi ni Kuya Gerald kay Lily "At kapag umalis naman tayo eh saan tayo pupulutin? Nag-iisip ka ba Kuya Gerald? Bakit mo ba sinagot ang asawa ni Mama kan

