Kinaumagahan ay gumising na ang lahat. Bagong araw, bagong pakikibaka nanaman ni Lily sa mga taong walang ginawa kundi ang saktan siya. Naglilinis si Lily ng lababo noong nakita siya ni Tiya Miding dahil pupunta ito sa kapitbahay niya para makasagap ng panibagong chismis. "Oh, bakit hindi ka pa napasok? Hindi ba sinabi sayo ni Tiyo Alberto mo na payag na akong pumasok ka na ulit sa eskwela?" sabi ni Tiya Miding sa dalagita "Talaga po? Payag na kayong pumasok sa eskwela? Paano po? Sino po ang nagsabi sa inyo Tiya Miding? Salamat po kung ganoon." sagot ni Lily na labis ang saya "Oo, pumapayag na ako na mag-aral ka ulit. Pasalamat ka sa Tiyo Alberto mo dahil hindi niya ko tinigilan hangga't hindi ako pumapayag sa gusto niya." sagot naman ni Tiya Miding Nawala ang mga ngiti ni Lily noong

