"Oh my God! Seriously?! Ginawa mo iyon, Cathy?!" hindi makapaniwalang hiyaw ni Zuri pagkatapos ko i-kwento ang naging takbo ng usapan namin ni Amanda nang tawagan niya ako sa phone kaninang umaga. Dahan dahan ko naman itinango ang ulo ko para kumpirmahin iyon bago kumagat sa hiniwa nilang apple para sa akin. "Bwahahaha! My goodness! Ikaw talaga, Cathy! Naisipan mo gawin iyon sa kanya?! Grabe, saludo ako sa iyo! Dahil kung nagkataon na kagatin niya ang binigay mong kondisyon ay magiging instant milyonaryo ka sa kabaliwan na iyan ni Amanda," iiling iling na komento ni Riya sa aking ginawa, "Hindi man lang yata siya nakahalata na kaysa ikaw ang magpaikot niya ay siya pa ang napaikot mo." Pagkasabi ni Riya 'nun ay tuwang tuwa na nag-apiran pa silang dalawa na tila masaya sa kinalabasan kwen

