"Haa...." Hindi ko alam kung ilang buntong hininga na ang pinakawalan ko magmula kanina. Hanggang ngayon kasi ay laman ng isipan ko ang sinabi ni Zuri sa akin. Dahil din doon ay pasimple na napatingin ako sa kaharap kong si Ismael na siyang tahimik na kumakain ng mga hinanda kong hapunan. Tila naramdaman naman niya ang pagtitig ko kaya agaran siya nag-angat ng tingin para salubungin ang aking tingin sa kanya. Nilunok muna niya ang laman ng bibig bago ako sinimulan na kausapin. "May gusto ka ba itanong sa akin, Cathy?" kunot noong tanong niya, "Kanina mo pa ako riyan sinisilayan," dagdag niya tapos tinaas baba ang kanyang mga kilay. Nahihiyang napaiwas naman ako ng tingin saka ibinalik ang tingin ko sa aking kinakain. "Baka naman kaya ka nagkakaganyan ay dahil sa nami-miss mo na agad

