Mahigpit na napahawak si Eric sa kanyang phone nang mabasa ang pangunahing balita na kumakalat ngayon sa mga social media. Halos nagsasaya kasi ang lahat dahil sa magkakaanak na ang hinahangaan nilang si Ismael Alcazar sa naging asawa niyang sekretarya. Ang sekretarya na iyon ay walang iba kundi ang isa sa naging dating nobya niya noong college na si Catherine Guevarra. Hindi naman niya talaga liligawan dapat ang babae na iyon kung hindi lang siya nagipit sa isang bet nilang magba-barkada. Kailangan niya kasi kuhanin ang virginity ng babae sa loob ng tatlong buwan para sa ganoon ay mabigyan siya ng tig-sampung milyon ng mga barkada niya. Nang panahon na iyon ay hinold ng kanyang ama ang mga debit at credit cards niya. Idagdag pa na napakalaking halaga rin nito para mabili niya ang kots

