Pigil pigil ko ang aking hininga nang maihinto na ni Ismael ang kanyang sasakyan sa parking lot ng isang ospital dito sa Paris. Pareho muna hindi kami kumilos sa upuan at napatitig lamang sa entrance ng ospital na iyon. Ramdam ko pa nga sa oras na ito ang labis na pamamawis ng aking mga kamay dahil sa labis na nerbiyos. Natatakot ako na baka pareho lang kami nagkamali ng hinala at pareho kami bigo na lumabas ng ospital na iyon. "C-Cathy, b-baba na ba tayo?" kinakabahang tanong sa akin ni Ismael pagkalipas ng ilang sandali. Nang lingunin ko siya at kita ang labis din na pagka-nerbiyos niya sa oras na ito. Magkatulad pala kami ng nararamdaman. Kaya ang pagka-nerbiyos ko kanina ay bahagyang nawala nang makita ang kakaibang postura ng boss ko. Dahil ngayon pa lang na magpapa-check up ako a

