KABANATA 4

1413 Words
MAXI's POV Nandito na ako ngayon sa tapat ng apartment ng aking boyfriend na si Lyndon. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit. Parang may nagsasabi sa aking may hindi magandang mangyayari. Ipinilig ko ang aking ulo. Bilang ako ay isang taong laging pinipiling maging positibo, iwinaksi ko sa aking isip ang lahat ng aking mga alalahanin. Wala akong dapat ipangamba. Nasa loob si Lyndon at kasama niya ang kanyang pamilya. Wala sa loob na tumingala ako sa langit. Makulimlim ang panahon. Mukhang uulan maya-maya lamang. Nang maisip kong baka umulan at mabasa ako ay dali-dali akong kumatok sa pinto ng apartment ni Lyndon. Isang katok. Syempre hindi maririnig kung isang katok lang. Dalawang katok. Baka busy silang lahat sa loob? Tatlong katok. Hindi kaya walang tao sa loob? Sampuin ko na kaya? Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Oo nga. Baka walang tao? Sayang naman ang pagpunta ko rito sa apartment ni Lyndon. Pihitin ko kaya ang seradura ng pinto? Baka naman nagkakasiyahan lang sa loob dahil nga nandito ang buong pamilya ni Lyndon ngayon? Speaking of Lyndon's family, paano ko ipakikilala ang sarili ko sa mga magulang ni Lyndon? Sabi niya nga ay hindi pa niya nasasabi sa mga ito ang tungkol sa relasyon namin. "Hello po. I'm Maxi po. Kasintahan po ako ni Lyndon. Two years and three months na po kaming nagmamahalan. Happy and contented. We're looking forward to more fulfilling years to come." Iyon ang sinasabi ng aking isip na sabihin ko sa mga magulang ni Lyndon. Pero ngayon pa lang ay parang nakikini-kinita ko na ang mga mangyayari. Nai-imagine ko na kung paanong magugulantang ang mga magulang ni Lyndon. Wala naman sanang hihimatayin. At syempre nai-imagine ko na ring may lilipad na kamao at tatama sa aking mukha. Huwag naman po sana. Siguro ay magpapakilala na lang akong kaibigan ni Lyndon. Pwedeng kasamahan niya sa trabaho. Niyuko ko ang aking sarili. Tiningnan ko ang aking suot na skinny jeans na parang hinulma sa aking cute na pang-upo at mahabang legs. Sinipat ko rin ang suot kong small T-shirt na halos magmukha ng crop top. Maniwala kaya ang mga magulang ni Lyndon na kaibigan ako ng kanilang anak sa ayos kong ito? O baka isipin nilang isa lang ako sa mga gutom na gutom na nagpapantasya at naghahabol sa kanilang anak? Hay. Bahala na. Kaya ko 'to. Iyon ay kung nandito nga sila sa loob ng apartment ni Lyndon. Hinawakan ko ang seradura ng pinto ng apartment ni Lyndon at pinihit pabukas. OMG. Bumukas ang pinto ng apartment ni Lyndon. Mukhang tama nga akong baka nagkakasiyahan lang silang buong pamilya sa loob. Maxi: Tao po. Sinamahan ko pa ng katok ang sinabi ko kahit binuksan ko na ang pinto at sumungaw ako sa loob. Ay. Walang tao. Bahala na nga. Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto ng apartment bago ako tuluyang pumasok sa loob. Iginala ko ang aking paningin sa loob bago dahan-dahang inilapat pasara ang pinto. Hindi nakabukas ang mga ilaw. Mukhang walang tao. Napagdesisyunan kong libutin ang buong kabahayan. Hindi naman na ako bago rito. Madalas akong pumunta rito sa apartment ni Lyndon para bisitahin siya at madalas ay dito kami nagse-celebrate ng monthsary at anniversary namin. Pumunta ako ng kusina. Walang tao. Wala ring tao sa loob ng banyo. Posible bang lumabas si Lyndon at ang buong pamilya niya at hindi lang nila nai-lock ang pinto? Napailing ako. Sa panahon ngayon ay kailangang maging mas maingat. Nakatayo na ako sa gitna ng sala ng apartment ni Lyndon nang may mapansin akong kapirasong tela sa ibabaw ng couch. Dinampot ko ito. Isang pulang tank top. Bigla akong kinabahan ngunit naisip ko rin na siguro ito ay pagmamay-ari ng kanyang kapatid na babae. Hawak ko pa rin ang pulang tank top nang mapansin ko ang isang itim na bra sa ilalim ng mesa. Dinampot ko iyon. Ang laki ng cup ng bra. Napataas ang aking kilay. Imposibleng sa babaeng kapatid ni Lyndon ang bra na ito. Hawak ko sa aking kanang kamay ang pulang tank top at sa kaliwang kamay ko naman ay hawak ko ang itim na bra. Siguradong pagmamay-ari ang mga ito ng isang babae. Bumalik na naman ang kaba sa aking dibdib. Inilapag ko sa ibabaw ng center table ang tank top at ang bra. Tumingin ako sa pinto ng kwarto ni Lyndon. Nalibot ko na ang buong bahay ngunit hindi ko pa napuntahan ang kwarto niya. Huminga ako ng malalim. Maaaring nandoon ang buong pamilya ni Lyndon sa loob ng kanyang kwarto. Lumakad ako palapit sa kwarto ni Lyndon. Wala akong naririnig na ingay. Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto nang may marinig akong mga boses na parang nagbubulungan. Paminsan-minsan ay napuputol ang salita rahil sa pinipigil na ungol. Bigla ay parang tumigil ang aking paghinga. Napabuka ang aking bibig ngunit walang lumalabas na salita mula roon. Nararamdaman kong kumakabog ng mabilis ang aking puso. Nagsisimula na ring mangilid ang aking mga luha. Isang lalaki at isang babae ang nag-uusap ng mahina sa loob ng kwarto ni Lyndon. Lalaki: A-anong sabi ko sa iyo? Ha? 'Di ba, ma-maniniwala si Ma-Maxi na lu-lumuwas galing probinsya ang pa-pamilya ko at kasama ko si-sila nga-ngayon dito? Ti-tingnan mo, ilang araw na siyang hi-hindi pumupunta rito. Walang umiistorbo sa pag-pagtatalik natin. Paputol-putol ang pagsasalita ng lalaki rahil sa pinagsama-samang ungol at hingal. Babae: Na-nakokonsensya nga a-ako ka-kasi pinalayas na siya sa ka-kanila. Tapos ta-tayo pinagtataksilan lang na-natin siya. Ang babae ay paputol-putol ang pagsasalita rahil sa halinghing, ungol, at hingal. Narinig kong malakas na tumawa ang lalaki at biglang natigil dahil sa pag-ungol nito. Lalaki: Aanga-anga ka-kasi si Maxi. Ma-maayos na nga ang bu-buhay niya, na-nagladlad pa. Kung hi-hindi ba naman ma-mahina ang utak. Basta hu-huwag niya akong idadamay sa ka-kaartehan niya. Wa-wala nga akong ba-balak ipakilala siya sa a-aking mga magulang. Narinig kong muling tumawa ng malakas ang lalaki. Babae: Hi-hindi ka ba na-nababahala na ni-niloloko natin siya? Muling tumawa ng malakas ang lalaki. May kasama pang pagmumura. Lalaki: Ba-bakit naman ako ma-mababahala kung sa-sarap naman ang kapalit ng panloloko ko sa ka-kanya? Bigla ay narinig kong napaungol ng malakas ang babae. Lalaki: 'Yan ba ang ungol ng na-nakokonsensya? Sarap na sa-sarap ka nga sa tuwing ni-nilalamon ng yungib mo ang a-alaga ko. Narinig kong malanding tumawa ang babae. Babae: I-ikaw, eh. Ma-masyado mong gi-ginagalingan. Bigla ay narinig kong sabay na umungol ang dalawa. Napakahaba ng ungol ng lalaki na may kasamang pagmumura. Ang babae naman ay pinagsamang ungol at halinghing. Tuluyan nang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata at dumaloy sa aking magkabilang pisngi. Totoo ba itong mga naririnig ko? Walang dudang si Lyndon ang lalaking nasa loob ng kwarto. Pero bakit may kasama siyang babae sa loob ng kanyang kwarto? Hindi ako mangmang para hindi malaman kung ano ang ginagawa nilang dalawa sa loob. Ang mga pag-ungol, ang mga paghalinghing, ang mga paputol-putol na pagsasalita, ang mga paghingal, at ang mga pagmumura, lahat ng iyon ay katibayan na nakikipagtalik si Lyndon sa kasamang babae sa loob ng kanyang kwarto. At ang boses ng babaeng iyon. Pamilyar na pamilyar sa akin. Lumuluha ako nang unti-unti kong pihitin pabukas ang seradura ng pinto ng kwarto ni Lyndon. Kinakabahan ako habang unti-unting lumalaki ang awang ng pinto at sumungaw ako sa loob ng kwarto. Napabuka ang aking bibig sa gulat ngunit walang tinig na lumalabas mula sa aking bibig. Napatakip ang aking kaliwang kamay sa aking nakabukang bibig. Sa loob ng kwarto ni Lyndon ay tumambad sa akin ang kanina ay hinala lamang. Nakikipagtalik nga siya sa isang babae at pareho silang sarap na sarap base sa kanilang mga hitsura. Nakapaibabaw sa pawisang hubad na katawan ng babae ang pawisang malaking katawan ni Lyndon. Liyad na liyad ang katawan ni Lyndon habang sunud-sunod ang pag-ulos ng kanyang alaga sa kweba ng babae. Nakapikit na nakatingala sa kisame si Lyndon. Nakabuka rin ang kanyang bibig at puro ungol ang maririnig mula roon. Hingal na hingal ang kasintahan ko. Ang babaeng nasa ilalim ng hubad na katawan ni Lyndon ay hindi alam kung saan ibabaling ang ulo nito rahil sa sobrang sarap na nararamdaman. Napapakalmot pa ito sa malapad na likod ni Lyndon. Maxi: Mga manloloko! Kitang-kita ko ang pagtigil ng pag-indayog ng kanilang mga katawan nang marinig ang aking sigaw. Sabay na napalingon sa akin ang boyfriend kong si Lyndon at ang isa sa mga matatalik kong kaibigan na si Pauline. Lyndon: Maxi! Pauline: Maxi... ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD