MAXI's POV
Nag-iiwasan kami ng tingin ng aking roommate na si Jake habang kumakain ng almusal ngayon.
Tulad nang aking ipinangako kagabi ay bumawi ako ngayon at ako naman ang naghanda ng almusal para sa akin, kay Jake, at sa kanyang bunsong kapatid na si Gigi.
Dahil wala naman akong masyadong alam sa pagluluto kaya nagprito na lang ako ng itlog at hotdog.
Kung aking titingnan si Gigi ay mukha namang nag-e-enjoy ito sa aking inihandang pagkain. So I guess hindi naman ganoon kasama ang aking pagpi-prito ng ulam.
Maya-maya ay biglang nagsalita si Gigi. Tapos na itong kumain. Ganoon kabilis.
Ang ibig sabihin ay pasado ang aking pritong ulam kay Gigi.
Gigi: Kuya Maxi, ano pong trabaho niyo? O nag-aaral pa po ba kayo?
Nakita kong pinandilatan ng mga mata ni Jake si Gigi na naging dahilan para magyuko ito ng ulo.
Para pagaanin ang mood ay tumawa ako at sinigurong masigla ang tinig ng aking boses nang sagutin ang tanong ni Gigi.
Maxi: Graduate na ako, Gigi. Mga ilang buwan na rin. Ngayon ay naka-focus ako sa online business namin ng aking kaibigang si Ruby. Si Ate Ruby mo ay isa sa babaeng nakita mong kasama ko rito sa apartment kagabi.
Ngumiti pa ako kay Gigi matapos magsalita.
Nakita kong tumango si Gigi at maya-maya ay nagtanong ulit.
Gigi: Ano pong online business ninyo?
Muli kong nakita si Jake na pinandilatan si Gigi kaya napayuko ulit ito.
Malakas akong tumawa para muling mabawasan ang tensyon na bumabalot sa amin sa mga oras na iyon.
Maxi: Uhm, nagbebenta kami ni Ate Ruby mo ng mga T-shirt, sando, blouse, pantalon, skirt at kung anu-ano pa online. Minsan nagla-live selling din kami.
Muli akong ngumiti kay Gigi.
Bigla ay pumalakpak si Gigi.
Gigi: Kuya Maxi, pwede ko po ba kayong panooring mag-live selling minsan?
Malakas akong tumawa sa harapan ni Gigi na ikinakunot ng noo nito.
Bigla naman akong nahiya sa aking inasal sa harapan ni Gigi. Ang lakas pa ng aking tawa sa harap ng pagkain.
Inabot ko ang isang basong tubig at sinaid ang laman niyon. Si Gigi ay nakasunod ang tingin sa akin.
Pasimple kong sinulyapan si Jake. Tuloy pa rin siya sa pagkain ng almusal.
Mukha namang nasarapan din si Jake sa aking niluto.
Maxi: Pasensya ka na, Gigi. Nabigla lang ako sa sinabi mo. Hindi ko kasi ma-imagine ang aking sarili na nagla-live selling. Ang Ate Ruby mo ang gumagawa niyon sa aming dalawa.
Sumubo muna ako ng pagkain at lumunok bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Maxi: Hindi ko maisip na magsasalita ako sa harapan ng maraming tao kahit pa sabihing pinapanood lang ako. Maingay at madaldal lang ako kapag kasama ang mga taong malalapit sa akin.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumawa pa ako.
Ngunit parang may langaw akong naririnig sa paligid na pabulong-bulong.
Si Jake.
Jake: Ang lakas mo ngang makasigaw, eh.
Mabilis akong napalingon kay Jake.
Tuloy pa rin sa pagkain ng almusal si Jake at animo ay inosenteng-inosente habang kumakain.
Ano raw? Ang lakas ko raw makasigaw?
Biglang nanlaki ang aking mga mata.
Shocks!
Ipinapaalala na naman ni Jake ang nangyari kagabi.
Ang nangyari sa loob ng banyo nang aking makita ang malamang pang-upo ni Jake.
Biglang namula ang aking magkabilang pisngi rahil sa alaalang iyon.
Hindi ko naman sinasadya na makita ang pang-upo ni Jake. Hindi ko kasalanan na iniwan niyang nakabukas ang pintuan ng banyo.
Nakita kong nakabukas ang ilaw at nakabukas ang pinto ng banyo kagabi. Syempre ang una kong iisipin ay may nakaiwang bukas ang ilaw sa loob ng banyo. Kaya naman naisipan kong i-off ang switch ng ilaw.
Malay ko bang nasa loob ng banyo si Jake at umiihi. Hindi ko naman alam na hindi niya nailapat pasara ang pinto.
It wasn't my fault that Jake was irresponsible. At least, in that moment.
Hay.
Halos hindi ako patulugin ng eksenang iyon kagabi. Ilang beses na parang nanunuksong bumabalik-balik sa aking isipan ang malamang pang-upo ni Jake.
Naramdaman kong parang pinamulahan ako ng mukha.
Dahil sa eksenang iyon kagabi ay parang tuluyan nang natabunan ang sakit at galit na aking naramdaman dahil sa pagtataksil ng aking ex-boyfriend at pagtatraydor ng aking ex-friend.
Nagulat ako nang biglang magsalita si Gigi.
Gigi: Kung kailangan po ninyo ng gwapong model para sa mga ibinebenta ninyo ni Ate Ruby ay pwede po si Kuya Jake. Sabi po niya ay kailangan niya ng extra income ngayon.
Nakita kong biglang napaangat ng ulo si Jake at tinitigan ng masama ang kapatid.
Jake: Gigi! Tama na 'yan. Tapos ka nang makapagpahinga. Kunin mo na ang mga gamit mo at ihahatid na kita sa school.
Nakita kong namula ang mukha ni Gigi.
Oh my. Iiyak ba si Gigi?
Agad akong tumayo at lumapit kay Gigi habang naglalakad ito patungong sala para kuhanin ang backpack nito. Inabot ko mula kay Gigi ang backpack nito.
Maxi: Ako na ang magbibitbit, Gigi. Sasama ako sa paghatid sa iyo sa school.
Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon, basta ang alam ko ay gusto kong pagaanin ang pakiramdam ni Gigi.
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Gigi. Parang na-excite siya.
Gigi: Talaga po? Sasama po kayo sa amin ni Kuya Jake, Kuya Maxi?
Shocks! Wala nang atrasan ito.
Maxi: Ha? Ah, eh, oo. Para naman ma-malaman ko rin kung saan ka nag-aaral. Ka-kasi, 'di ba, ano, roommates at friends na tayo?
Nakita ko namang pumalakpak si Gigi at tumalon-talon pa.
Gigi: Yehey! May bago na akong friend! Si Kuya Maxi!
Lumingon si Gigi kay Jake na nakatayo na pala sa tabi ng main entrance door at nakasimangot ang mukha.
Gigi: Kuya Jake, may bago na po akong friend. Si Kuya Maxi.
Masayang-masaya ang mukha ni Gigi habang nakaharap kay Jake kaya siguro napilitang ngumiti si Jake.
Lumingon si Jake sa akin at feeling ko ay tutumba ako anumang oras sa matalim niyang titig na iyon sa akin.
Maxi: A-ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin pagkabalik ko mamaya.
Pilit akong ngumiti kay Jake pero tinalikuran lang niya ako at nagpatiuna nang lumabas ng apartment.
Ngayon ay naglalakad na kaming tatlo nina Jake at Gigi papunta sa school ni Gigi. Walking distance lang pala mula sa apartment.
Kanina ay kinuha na ni Jake mula sa akin ang backpack ni Gigi. Parang ang gaan-gaan lang tingnan ng bag kapag si Jake ang nagbibitbit.
Napatingin nga ako sa mga braso ni Jake kanina. Grabe. Ang laki ng kanyang muscles.
Nasa harapan namin ni Jake si Gigi habang naglalakad nang biglang maramdaman ko ang pagdikit ng braso ni Jake sa aking braso. Para akong nakuryente kaya mabilis akong umiwas.
Sandali kaming tumigil ni Jake sa paglalakad.
Shocks! Bakit para akong nakuryente?
Nang lingunin ko si Jake ay nakakunot ang noo nito.
Jake: Anong problema mo?
Pabulong lang iyong sinabi ni Jake para siguro hindi marinig ni Gigi.
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad bago ko pabulong na sinagot ang tanong ni Jake.
Maxi: Bakit kasi bigla-bigla kang dumidikit sa akin?
Sinigurado ko talagang may distansya sa pagitan namin ni Jake nang muli kaming magpatuloy sa paglalakad.
Narinig kong parang painsultong tumawa si Jake at umiling pa.
Jake: Feeling mo naman ay gusto kitang dikitan? Asa ka.
Nilingon ko si Jake habang nakataas ang aking isang kilay.
Maxi: Hoy. Ikaw ang dumikit. Hindi ako.
Patuloy ang pabulong naming pag-uusap ni Jake habang naglalakad.
Jake: Kaya ako dumikit ay dahil may sasabihin ako sa iyo at hindi ko gustong marinig ng aking kapatid ang aking sasabihin sa iyo.
Kumunot ang aking noo.
Maxi: Eh, ano ba ang sasabihin mo?
Matalim na tumitig sa akin si Jake bago sumagot.
Jake: Siguraduhin mo lang na hindi mo sisirain ang sinabi mo sa aking kapatid na ikaw na ang bago niyang kaibigan. Nakita mo naman kung gaano siya kasaya kanina, 'di ba? Oras na umiyak si Gigi nang dahil sa sinira mong pangako ay ako ang makakaharap mo, Maxi.
Iyon lang at nagmamadali nang lumakad si Jake para tabihan ang kanyang kapatid.
Napalunok ako rahil sa sinabi ni Jake. Nabigla lang naman ako nang sabihin ko iyon kay Gigi rahil gusto kong pagaanin ang loob ng bata. Though bukal naman sa puso ko ang pakikipagkaibigan kay Gigi.
Pero kung makapagbanta naman si Jake ay parang matter of life and death na.
Hindi ko napansin na narito na pala kami sa school na pinapasukan ni Gigi. Nagulat pa ako nang may isang teacher na lumapit sa akin. Rowena Marciano raw ang pangalan.
Rowena: Ikaw 'yong bagong roommate ng magkapatid na Jake at Gigi, 'di ba?
Alanganin akong ngumiti kay Rowena.
Maxi: Yes, ako nga. I'm Maxi.
Nakipagkamay sa akin si Rowena.
Rowena: Umuupa rin ako kay Aling Ludy. Kasama ko rati 'yong aking kapatid sa apartment kaso lumipat siya sa apartment na mas malapit sa kanyang pinagtatrabahuan.
Tumango lang ako kay Rowena bago muli itong nagpatuloy sa pagsasalita.
Rowena: Minsan pumunta ka sa bahay. Ipagluluto kita. Isama mo na rin 'yong magkapatid. Alam mo 'yang si Jake, bihira lang makihalubilo sa mga tao. Kaya natutuwa kami kapag biglaan siyang dumarating sa mga handaan sa mga kapitbahay dahil napipilit ni Gigi.
Bigla naman akong na-curious sa sinabi ni Rowena.
Marami pa akong hindi alam sa aking roommate na si Jake. At hindi naman siguro masama kung kikilalanin ko siya.
Naglalakad na ako ngayon pabalik ng apartment. Si Jake ay pumasok na sa kanyang trabaho.
Kaya pala hindi ko na naabutan ang magkapatid na Jake at Gigi nang late akong magising kahapon ay dahil ganito ang routine nila sa araw-araw.
Inihahatid nang maaga ni Jake sa school si Gigi at pagkatapos ay didiretso naman si Jake sa kanyang trabaho.
Hindi ko pala naitanong kay Jake kung ano ang kanyang trabaho.
Malapit na ako sa aming apartment ni Jake nang may mapansin akong lalaking nakatayo sa harapan ng pinto ng aming apartment. Mukhang may hinihintay ito.
Shocks! Parang familiar 'yong bulto ng lalaki.
Naglakad pa ako nang naglakad hanggang makarating na ako sa tapat ng apartment namin ni Jake.
Tumikhim muna ako para maagaw ang atensyon ng lalaking nakaharap sa pintuan ng apartment.
Unti-unting humarap ang nakatayong lalaki hanggang sa magkaharap na kami.
OMG!
Si Ferdie.
Si Ferdie na best friend ng aking Kuya David.
Ngumiti si Ferdie pagkakita sa akin.
Oh my. Ang gwapo talaga nito.
Ferdie: Hi, Maxi. Kumusta ka na?
Bakit ganoon?
Kinikilig ako!
----------
itutuloy...