PROLOGUE

1855 Words
"Conan, makakaya kaya natin ito?" Napatingin siya sa kawalan nang banggitin ni Keena ang tanong na nagpapagulo sa utak niya. Marahas siyang napabuga ng hangin. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Na darating talaga ang panahon na pag - uusapan nila magkasintahan ang bagay na ito. "Makakaya naman siguro." Kakatapos pa lang nila sa pag - aaral ng High School noong nakaraang buwan. Mag - cocollege na sila at napagpasiyahan ng magulang ni Keena na sa ibang bansa ito paaaralin. Kaya nagkita sila rito para makapag - usap. Sinabi na ito sa kanya ni Keena noong nakaraang linggo. Ngayon lang nilang naisip na magkita dahil may ginagawa siya na hindi niya masabi - sabi. Tumalikod siya sa railings at humarap sa parkeng ginalaan nila. Dalawang beses niyang kinatok ang metal para mabaling doon ang atensiyon niya. Nagsisimula na ring sumibol ang emosiyong ayaw niyang pangalanan. Gusto niyang i - divert ang isip niya sa ibang bagay. "Ayaw ko rin naman na pigilan ka sa ambisyon mo. At isa pa, magulang mo mismo ang nag - desisyon. Alam mo naman na wala akong kalaban - laban sa kanila pagdating sa future mo." "P-paano kong sumunod ka na lang kaya roon?" Napatingin siya kay Keena. "Alam mo ba iyang sinasabi mo?" Hindi makatingin sa kanya ang kasintahan. "Of course." Inalog nito ang braso niya. "P-pero pwede naman siguro?" "Keena." "What?" "Hindi pwede iyang iniisip mo." Napayuko ito. "P-pero . . ." Hinawakan niya ito sa magkabilang braso. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Pasusunurin mo ako roon? Keena, nababaliw ka na ba?" Kinagat niya ang pang - ibabang labi. "Ayaw mo no'n?" Tinanggal nito ang mga kamay niya. "Magkakasama pa rin tayo." Napapikit siya ng mariin. "Keena, hindi mo alam ang iniisip mo." "P-pero Conan, tutulungan naman kita." "Kahit na Keena." Tumalikod siya sa kanyang nobya. "Paris iyang pupuntahan mo. Ibang bansa, malayo, magastos. Saan ako kukuha ng pera?" "P-pahihiramin kita." Maang siyang napatingin dito. "At saan ka na naman kukuha ng pera?" "Basta. Ako na bahala roon." "Huwag na," pinal niyang sabi. "Alam ko kung saan mo kukunin ang pera. Iyan ang huwag na huwag mong gagawin." "Pero Conan, pwede ka naman magtrabaho roon. Tutulungan kitang maghanap. Kung nakahanap eh di bayaran mo ako nang paunti -unti. You don't have to think about your home. May isang kwarto pa naman doon sa bahay namin. You can stay there while working." Napahilamos siya sa kanyang mukha." Keena naman." "What? My idea is not that bad naman ." "Akala mo bang madali lang iyan?" Napailing siya. "Iisipin ko na lang na hindi mo sinusuggest iyan sa akin." "So, okay lang sa iyo ang long distance realtionship?" "Hindi." "Iyon naman pala eh. Sumama ka na lang sa akin." "Para ano? para makagawa ng gulo? Huwag na. Ang ending niyan, parang nagtatanan pa tayo." "Pero hindi naman okay sa iyo ang long distance." "Problema ko na iyon. Problemahin mo iyang pag - aaral mo." "Conan." "Ano?" Napabuntonghininga ito. "Conan, think about it. Ayaw mo no'n, makakatulong ka sa pamilya mo?" That caught Conan's tongue. Tama nga naman ang nobya niya. Pwede siya nitong tulungan na maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Kapag nagkataon, makakatulong na siya sa gastusin sa bahay. Her idea is tempting. Ang sarap sana pakinggan ang mga suhestiyon nito. Ang saya pakinggan at ang dali lang isipin. Umihip ang malakas na hangin na dala ng alon sa dagat. Napatingin siya sa yating bumisina sa gawing kanan. Parang nagising siya sa katotohanan nang marinig niya ang ingay nito. Sinabayan pa ng malakas na alon na parang kinikombense siya na timbangin ang lahat na pwedeng mangyayari. He let out a sigh. "Keena, tigilan na natin ito." Natahimik ang kausap niya. Paglingon niya rito ay nakita niyang natameme ito. "Ang bilis mo naman makagawa ng plano. Matagal mo na bang tinatago iyan o ngayon mo lang naisip dahil sa kagustuhan mong makasama ako?" Hinaplos niya ang mukha nito. "Keena, magka - iba man ang agwat natin sa buhay pero marunong akong lumugar sa mga taong katulad ninyo. Nagustuhan ko ang ideya mo pero gaya ng ibang plano. May consequences ang bawat galaw mo." Naiwas nito ang paningin. Tumingin ito sa dagat na nasa gilid nila. "Kung susundin ko ang gusto mo, paano mo natitiyak na gagana lahat ang plano mo? Hindi mo ba naisip na pwede tayong mabuking ng parents mo? At kapag nabuking tayo, ano naman gagawin mo? Natin? May pamilya akong iniisip, Keena. At ayaw kong dumagdag pa sa problema nila." Mapait siyang ngumiti. "Mag - isa kang magpunta sa Paris, Keena. Abutin mo ang pangarap mo. Meron man o wala ako sa tabi mo. Hindi ba gusto mo na maging sikat ka? Kaya mo iyan. Unahin mo ang future mo." "Pero Conan, paano ka?" Mapait siyang ngumiti. "Aabutin ko rin ang pangarap ko sa paraang alam ko. Hindi ako pwedeng gumamit ng yaman ng ibang tao. Kailangan kong magsikap kung gusto kong may mararating ako." Niyakap niya ito. "Ayan ka na naman sa pagiging makata mo." Sinuntok siya nito sa tagiliran. Ngumiti siya. "Pinapagaan ko lang ang loob mo. "Hinalikan niya ang ulo nito."Nasa modern era na tayo, Keena. Pwede ka na tumawag sa akin o mag - video call kung trip mo akong makita. Problema mo na lang kung mawawalan ka ng internet. Pero hindi naman siguro mawawalan ng internet iyong bahay ninyo. Wala pa naman akong narinig na sinisingil kayo ng internet plan dahil hindi kayo nakabayad ng bill." "Bweset ka talaga. " Piningot nito ang tainga niya. "Aray!" "Umayos ka kasi." Hilaw siyang tumawa. Sumandal ulit siya sa railings. Pinagdaop niya ang dalawang palad habang tahimik na nakatitig sa malawak na dagat. "Seryoso lang, Keena. Pwede ka namang umuwi rito kung may time ka. Kasi di ba sabi mo uuwi rin naman kayo rito kapag Christmas?" "Naisip ko rin iyan." Tumabi ito sa kanya. "Mas gusto kasi ni mama na dito mag- Pasko. So, paano iyan once a year lang tayo magkikita?" "Kaya mo ba?" "Of course." Ngumiti siya nang alanganin. "Itulog at i-aral mo lang iyong bakanteng oras mo kung hindi man ako online. Mabilis lang naman ang oras kapag hindi mo pinapansin." "Okay." Sumandig ito sa kanya. "Hatid mo ako bukas?" "Nandiyan parents mo." "Oo nga pala." Bigla itong nalungkot. Ngumiti siya ng pilit. "Lika, pasyal tayo. Last na natin ito na magkasama tayo." Saka hinawakan niya ang kanang kamay nito at hinila. Tawa ng tawa habang nagpatangay si Keena sa kung siya dinadala ni Conan. Napatawa rin ang huli. Paano, sa sobrang tanga nito ay napatid nito ang sariling paa. Buti nalang at naka- holding hands siya kay Conan kaya hindi sila natumba. Kasabay ng pag - alis nila ay ang paglipad din ng mga kalapati papunta sa mga puno. Napatingin sa kanila ang mga tao dahil sa suot ni Keena na white dress. Nakalaylay ang buhok nito panay tumatalbog habang nagtatakbuhan sila ni Conan papunta sa ice cream vendor. At gaya ng sinabi ni Conan, binuhos nila ang oras sa pamamasyal. Umabot pa sila sa mall dahil nagsawa na sila sa park. Naglaro pa sila sa Time Zone kaya hindi nila namalayan ang oras. Masyado silang nag - eenjoy sa paglalaro. Saka lang nila nalaman na pagabi na pala nang makalabas na sila. Walang nagawa si Conan nang sunduin na si Keena ng driver nito. Tanging kaway at pilit na ngiti lang ang nagawa niya nang papasok na ito sa puting sasakyan. Gusto niya sana halikan ang noo nito sa huling pagkakataon pero hindi sila pwedeng mag- PDA sa harap ng driver nito. Tiyak na magsusumbong ito sa parents ni Keena at ang huli ang mapapagalitan. Ayaw na niyang magka - aberya pa ito. Sinundan na lang niya ng tingin ang papalayong sasakyan nito. Mabagal ang lakad niya habang nakamasid sa sasakyan sa kung saan ito dumaan. Hanggang sa nawala ito sa piningin. Nagpakawala siya ng isang buntonghininga. Nahilot niya ang kanyang leeg. Napatingala siya habang binabaktas ang daan papunta sa paradahan ng jeep. Narinig niyang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at mabilis na sinilent. Saka ibinulsa at dali -daling pumasok sa papaalis na jeep. Paggising ni Conan kinabukasan ay salubong na kaagad ang kilay niya. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha kaya pagkalabas niya sa kwarto kanina ay hindi alam ng mga kapatid niya kung paano ito babatiin. Para bang pinalitan nito si Atlas para buhatin ang mundo. Ngayon kasi ang araw ng flight ni Keena at wala man lang siya magawa para makita ito. Alam din ng mga magulang niya na aalis na ang nobya niya kaya tahimik lang ang mga ito na nakamasid sa kanya. Kumain siyang pipi at umalis ng bahay pipi pa rin. Kahit ang Nanay niya ay tanging pag - linis lang ng kalat na pinagkainan nito ang nagawa. Hindi naman ito gawain ng Nanay dahil si Conan na ang kusang naglalagay niyon sa lababo. Nang makita niya na parang wala sa sariling hulog ang panganay ay siya na ang nagkusa. Hinayaan na rin nila ito. May dala itong bagpack at alam ng Nanay niya na may pinapasukan ito na trabaho. Tiyak naman nila na uuwi ito mamayang gabi. Hindi nga lang nila matumbok kung anong oras. Nagulat nalang ang Tatay ni Conan nang pinagbuksan niya ito ng pinto. Malinis man ang suot nito na damit ay hindi magka- ilang may pasa ito sa mukha. Puti na t - shirt ang suot nito kaninang umaga nang umalis. Anong nangyari at bakit may pasa na ito. At pawisan na rin ang damit. "Conan, saan ka galing? Maghahating gabi na ah?" bungad ni Tatay Faustino. "Diyan lang po, Tay." Pumasok kaagad si Conan ng bahay nang hindi man lang nagmano sa Tatay niya. Mas lumalim ang linya sa noo ng huli. Didiretso na sana siya sa pagpasok sa kuwarto nang tinanong ulit siya ng Tatay niya. "Asan na diyan." "Diyan po sa may bayan." Napabuntonghininga ang padre de familia. " "Sige, linisin mo iyang sarili mo. Huwag mong pabayaan iyang pasa mo. Gamutin mo iyan. Humanap ka ng paraan nang hindi iyan makita ng Nanay mo bukas. Siguradong hindi ka titigilan sa pagtanong niyon kapag nakita niya iyan." Tumango si Conan. "Sige po, Tatay. Pasok na ako." Nang pinaalis na siya ng Tatay niya ay saka na rin tumalikod si Conan. Ang hindi niya alam ay nakamasid pa rin ang Papa niya habang papasok siya nang kuwarto. Napabuntonghininga itong nakaupo sa luma nilang sofa sa sala. Napahilot ito sa sentido. Sa kabilang banda ay basta nalang binagsak ni Conan ang kanyang bag sa sahig. Hinugot niya sa bulsa ang cellphone at nilapag sa maliit na la mesa. Tinanggal niya ang saplot at ang boxer brief lang ang itinira. Pabagsak siyang humiga sa kama niya. Hindi na niya nasunod ang bilin ng Tatay at kaagad na inatupag ang cellphone. Binuhay niya iyon at kaagad tinignan kung may chat ba galing kay Keena. Nilapag niya iyon sa la mesa nang wala siyang makita na mensahe. Iniisip niyang busy ang dalaga sa pagbibiyahe kaya hindi na siguro ito nakapag - message sa kanya. Itinulog nalang niya ang inis. Itinakip niya ang kanyang braso sa mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD