Broken Harmony 13 Tahimik ang buong paligid, mahimbing na natutulog si Preston mula sa aking hita at ang tanging tunog lamang ng pinapanuod ko ang tanging maririnig sa buong unit. Pagtapos ng araw na pinaalis ko si mama sa lugar ko ay hindi na ulit siya nagpunta pa dito, alam ko kung bakit pero sa ugali niya ay alam ko na hindi siya basta-basta susuko hanggat hindi nakukuha ang kanyang gusto. Mula sa seryosong panunuod ko ng bagong Chinese Drama mula sa isang site ay sunod-sunod ang pagtunog ng doorbell mula sa labas. Inis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at sinilip kung sino ‘yon, samantala si Preston naman ay sumunod sa likod ko habang kumakawag ang kanyang buntot at nakataas ang kanyang dalawang tenga. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang nakajacket, nakalikod ito

