Unti unti akong nagising sa liwanag ng araw mula sa bintana. Tulad kaninang madaling araw ay ramdam pa rin ang lamig ng simoy ng hangin. Ngunit masarap sa pakiramdam ang init na nagmumula sa aming magkayakap na katawan. Mula sa pagkakasandal sa kanyang dibdib ay inangat ko ang aking mukha upang pagmasdan sya.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi nang pagmasdan ko ang maamo nyang mukha habang mahimbing na natutulog. Bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi habang mahinang naghihilik.
Hinaplos ko ang kanyang mukha at idinampi ang aking mga labi sa kanya para sa isang banayad na halik. Pagkatapos nito ay dahan dahan kong inalis ang kanyang bisig na nakayakap sa akin at saka bumangon. Iniwan ko ang kumot sa kama at hubad akong naglakad patungo sa banyo.
Hinayaan kong bumagsak sa akin ang malamig na tubig mula sa rainshower. Habang ipinapahid ko ang sabon sa aking katawan ay hindi ko maiwasang maalala ang bawat hagod ng kanyang mga kamay. Nang minasahe ko ang sabon sa aking dibdib ay hindi ko sinasadyang mapa ungol lalo na't naalala ko kung paano nya ito pinaligaya kagabi. Nagwawala ang aking isip habang nararamdaman ang pamilyar na sensasyon sa aking sinapupunan.
Napakagat labi ako dahil sa kakaibang nararamdaman. Agad akong umiling at pilit na winawaksi ang mga naglalaro sa aking pantasya. Hindi ko akalaing mararanasan ko ang ganito kasarap na sensasyon at tila hinahanap hanap ng aking katawan na palaging malapit sa kanya.
Matapos magsipilyo at maligo ay nag ayos na ako ng sarili. Dumiretso na ako sa kusina upang magluto ng aming agahan. Maaga pa naman kaya nagpasya akong ipagluto sina Mama, Isabela at ang iba pang nagtatrabaho sa bukid.
Kumuha ako ng piling ng saging na saba. Binalatan at hiniwa ko ang bawat isa. Matapos nito ay naggayat na ako ng mga sibuyas at nagdurong ng bawang.
Pagkatapos nito ay isinalang ko na ang kawali sa nagbabagang uling. Kumuha ako ng mga itlog, binati ang mga ito at tinimplahan.
Nang mainit na ang kawali ay nilagyan ko na ito ng mantika. Saka ko inilagay ang mga ginayat na sibuyas. Nang maluto ay isinunod ko na ang binating itlog. Nang maluto ang omelette ay inilagay ko ito sa maliit na bilaong napapatungan ng malinis na dahon ng saging. Isinunod ko namang iprito ang mga saging na saba. Pagkatapos nito ay nagprito rin ako ng mga longganisa. Nang matapos maluto ang mga ulam at maisalin sa bilao ay inihulog ko naman ang mga dinurog na bawang sa mantika. Saka ko inihulog ang natirang kanin upang ito'y isangag.
Habang abala sa pagluluto ay bahagya akong natigilan nang may pumulupot na mga bisig sa aking maliit na baywang,
"Ang bango naman ng niluluto ng asawa ko," sabay ang mumunting dampi ng kanyang halik sa sulok ng aking leeg
"Hindi yan para sa 'yo. Para sa amin lang yan nina Mama at Isabela," I looked at him and rolled my eyes jokingly
"Ayos lang, iba naman ang gusto kong kainin," ngumiti ito nang pilyo sabay ang pagkagat sa aking tainga. Napapikit na lamang ako habang awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi
"Tama na nga iyan! Tulungan mo na lang akong maghain," pinilit kong maging seryoso habang nagpipigil ng ngiti.
"Yes, Ma'am," he chuckled and planted another kiss on my neck
Napahinga na lang ako nang malalim nang bitawan na nya ang aking baywang. Kailangan kong magpokus sa ginagawa upang hindi ako bumigay! Gosh, isa syang malaking tukso!
Sabay naming dinala ang mga inilutong almusal sa bahay nina Mama at Isabela. Natagpuan namin sa terraza si Mama na naghahain,
"Mga Anak," nakangiti nitong bati
"Ma, nagluto po ng almusal si Anastasia. Pagsaluhan po natin,"
"Naku, salamat Hija. Tiyak na masarap ang ating agahan,"
Inilapag ni Adam ang dalawang bilao ng sinangag na kanin at mga ulam
"Ate, Kuya! Good morning!" bati ni Isabela
"Isabela, good morning!" tugon ko
Bitbit nito ang bilao na may lamang pritong itlog at corned beef
"Ay wow, ang sarap naman ng agahan natin!" sambit nito
"Ang Ate Anastasia mo ang nagluto," sambit ni Adam
Nanlaki naman ang mga mata ni Isabela ngunit nakabawi din at pilyong ngumiti, "Aba, abswelto yata si Kuya ah. Good mood si Ate!"
"Ate, alam mo bang nagluto ako ng paborito mong corned beef dahil alam kong na high blood ka kay Kuya kahapon,"
"Sabihin mo lang kung high blood ka pa at sasapukin ko talaga yan,"
Sa halip na sumagot ay natawa na lang ako kay Isabela
"H'wag mo nang sapukin ang Kuya mo, okay na kami,"
Muli itong ngumiti nang pilyo, "Ah, maswerte nga, nakatulog sa loob ng kulambo,"
"Isabela, tama na nga yan," saway ni Adam habang kapwa kami ni Mama na tumatawa lamang dahil sa kanilang asaran
Kasama ang mga nagtatrabaho sa bukid ay pinagsaluhan namin ang nakahandang agahan.
"Maraming salamat po sa almusal," ani ng mga magsasaka sa matandang babae matapos kumain
"Ang aking mga anak na sina Anastasia at Isabela ang naghanda ng mga ito,"
"Wala pong anuman," ani ko, "Isa pa, masarap kumain kapag sama sama tayo at masayang nagsasalu salo,"
Masayang sumang ayon ang mga magsasaka. Nagpaalam na rin ang mga ito upang magpunta sa bukid. Bahagya namang natigilan sina Adam at Isabela,
"B-bakit?" tanong ko kay Adam
Ngumiti ito sa akin at umiling, "Wala, wala naman,"
"Lalo ka kasing gumaganda Ate kaya lalong na iinlababo itong si Kuya," muling pangangantyaw ni Isabela kay Adam
Nahuli kong masungit na tiningnan ni Adam ang kapatid habang ang huli ay natutuwa pa na napipikon ang kanyang Kuya
"Oh sya, tama na kayong dalawa. Ako nang bahalang maghugas ng mga kinainan," tumayo na ako at gumayak na upang ligpitin ang mga plato at kubyertos
"Salamat, Anak. Pupunta na muna ako sa palengke,"
"Opo, Ma," tugon namin
"Tulungan na kita," ani Adam na lumapit sa akin
Bago pa ako makasagot ay tumunog ang celphone nito. Nang tinignan nito ang telepono ay tila nag alangan pa ito kung sasagutin,
"Okay lang ako. Sagutin mo na," nakangiti kong tugon
"Sige," tumalikod ito at naglakad palayo habang pumasok na ako sa loob ng bahay bitbit ang mga pinggan at kubyertos.
Sinamahan ako ni Isabela at tinulungan sa paghuhugas. Pagkatapos nito ay bumalik na kami sa sala upang sana'y tumambay pa at magkwentuhan nang matagpuan ko si Adam,
"Oh, hindi ka pumunta sa bukid?"
Ngumiti ito at umiling, "Hindi na muna ako pumunta doon," tumayo ito at naglakad palapit sa akin. Saka hinuli nito ang aking kamay,
"Nagpaalam na ako sa kanila. Sabi ko makikipagdate muna ako,"
"Ang baduy, Kuya!" sabat ni Isabela habang tumatawa
Hindi ko na rin napigilang tumawa,
Masungit naman nitong sinaway ang kapatid habang bahagyang nag alala nang bumaling sa akin, "A-ayaw mo ba?"
Umiling ako, "Sige na, sasama ako sa 'yo,"
Ngumiti ito at pagkatapos naming magpaalam kay Isabela ay umalis na kami. Dala ang kanyang sasakyan ay namasyal muna kami sa bayan. Pagkarating ay sinalubong kami ng masigla at masayang merkado. Kasalukuyang ginaganap ang local farmers' market kaya maraming sariwang gulay, prutas at iba pang pananim at produktong gawa sa gatas ang makikita. Bukod dito ay marami ring souvenir items at handmade crafts ang itinitinda,
"Doon muna tayo sa beach house ng mga ilang araw," hawak ni Adam ang aking kamay habang naglalakad
"Okay. Anong meron?"
"Gusto lang kitang masolo," sabay kindat nito
Agad nag init ang aking mga pisngi habang bumalik sa aking alaala ang aking mga pantasya kanina
"Is there something wrong?" tanong nya
Agad naman akong umiling, "Wala, wala naman,"
"Anong gusto mo?"
Gusto kong ituloy yung kanina. Napapikit ako nang mariin habang sinasaway ang aking pilyong isip.
"Anastasia, masama ba ang pakiramdam mo?"
"Huh?"
Inilapat nito ang kanyang kamay sa aking noo, "Normal naman ang temperatura mo. Gusto mo ng malamig?"
"Uh, oo," Sakto at may nakita akong nagtitinda ng ice cream
"Tara, gusto ko ng ice cream," anyaya ko
Sumunod ito at bumili para sa aming dalawa. Naupo muna kami sa isang tabi na nasisilungan ng mga puno. Habang nagpapahinga ay ibinaling ko muna ang pansin sa aking ice cream,
"Ano palang gusto mong ulam mamaya?"
"Mmm," Nag iisip ako ng gustong kainin mamayang tanghalian at wala sa loob kong isinubo ang ice cream habang nakatingin sa kanya
"Mmm, parang gusto ko ng ginataang isda,"
Seryoso itong nakatingin sa aking mga labi at tila nag igting ang panga,
"Why?" taka kong tanong
Umiling ito, "Wala naman,"
"Tara na?" anyaya nito. Tumango ako at sumunod sa kanya
Hawak pa rin nya ang aking kamay habang namimili kami ng mga gulay, prutas, karne at ilang mga kakanin. Pagkatapos nito ay pumunta na kami sa beach house. Dahil sa init sa labas ay naligo muna ako upang mapreskuhan. Pagkatapos nito ay nagtungo na ako sa kusina at natagpuan si Adam na naglilinis ng isda,
"Tulungan na kita,"
"H'wag na, baka masugatan ka pa. Maupo ka muna," nakangiti nitong sambit
"Ikaw na ang nagluto ng agahan kanina kaya ako naman ang maghahanda ng pagkain ngayon. Mag asawa tayo kaya dapat tinutulungan kita sa mga gawain sa bahay," dagdag nito
Naupo ako sa silya ng kitchen counter at pinagmasdan syang naghahanda ng pagkain. Tila may yumakap sa aking puso. Hindi ko akalain na sa kabila ng pagiging simple ng aming buhay ay natagpuan ko ang saya na ngayon ko lamang naramdaman.
Noon wala akong hinintay kundi ang matapos na ang isang buwan para makabalik na ako sa aking dating buhay. Ngunit ngayon, hindi ko maiwasang mangarap ng kinabukasan na kasama sya at ang aming magiging mga supling.
"Ano kaya ang iniisip ng asawa ko?" nakangiti nitong sambit
Ngayon ko lang napagtanto na naaliw na pala ako sa pagmumuni muni
"Secret," nakangiti kong tugon
"Come here," yaya nito. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumapit sa kanya
Kumuha sya ng isang kutsarita at kumuha mula sa sabaw ng kanyang niluluto. Inilapit nya ito sa akin,
"Taste it kung ok na,"
"Mmm, it tastes good," sambit ko pagkatikim
Bahagya naman akong natigilan nang bigla itong tumungo at yakapin ako palapit sa kanya. Sa isang iglap ay inangkin na nya ang aking mga labi habang ako nama'y awtomatikong tumugon sa kanyang halik,
"Does this taste good as well?" sandali itong bumitaw mula sa pagkakahinang ng aming mga labi
"Mmm, hmm," pilya kong tugon. Ngumiti ito at muli akong dinampian ng halik sa labi,
"Stop it Anastasia at baka ikaw ang kainin ko. Kanina pa ako nagpipigil," his husky voice brought excitement to my lower belly
Sabay naming pinagsaluhan ang tanghalian at masayang kwentuhan. Sa aming pag uusap ay mas nakilala namin ang isa't isa,
"Are you serious? What a small world!"
"Who would have thought that we came from the same high school," dagdag ko
"Sa gabi kasi ang klase ko. Working student ako noon,"
Muli kong naalala si Paolo. Sa kabila ng nangyari noon, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil ibinigay Nya si Adam upang hilumin ang aking mga sugat
"Is there anything wrong?" napansin nito na tahimik akong nag iisip
Umiling ako at ngumiti, "Nothing,"
Pagkatapos naming kumain at linisin ang mga pinagkainan at pinaglutuan ay nagtungo muna kami sa aming silid upang magpahinga. Pagkatapos maligo ni Adam ay sinamahan nya ako sa kama. Ang sarap sa pakiramdam na kami'y magkayakap at nakasandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. Pakiramdam ko'y unti unti akong hinihila ng antok
"Anastasia,"
"Hmmm,"
"May sasabihin nga pala ako,"
"Mmm, hmm,"
"Noong nag usap kami ng Daddy mo..."
Dahil sa pagod kanina ay tuluyan na nga akong nakatulog.
Madilim na nang ako'y nagising. Tila naalimpungatan pa ako nang may humalik sa aking labi,
"Napasarap ang tulog ko," nakangiti kong sambit kay Adam. Nang pagmasdan ko itong mabuti ay bahagya akong natigilan. Malayo sa tipikal nyang suot ay nakabihis ito nang pormal. He's wearing a three piece suit with white button shirt and navy blue coat and slacks. Isama pa rito ang suot nitong brown belt at mamahaling relos.
"Anong meron?"
"Get up, Honey. May pupuntahan tayo,"
Unti unti ko pang pinoproseso kung anong nangyayari at kung saan kami pupunta.
May kinuha itong paper bag mula sa kabinet at lumapit sa akin, "Please wear this,"
Kinuha ko ang damit at pinagmasdan ito,
"Do you want me to dress you up?" nakangiti nitong tanong
"Of course, not!" agad nag init ang aking mukha. This man! Kakagising ko lang, tinutukso na ako!
He chuckled seeing me blush and planted a kiss on my cheek, "I'll wait for you outside,"
Hindi ko man alam kung saan kami pupunta ngunit wala na akong inaksayang oras. Agad na akong naghilamos at nagbihis ng damit.
Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin. I am wearing a red cross over neck halter dress. Its hem fell perfectly at the middle of my thighs' length. I zipped up the back of my dress to close it and tied the loose ends of cloth at the back of my nape into a large ribbon. Pagkatapos nito ay isinuot ko ang itim na pares ng stilletos ankle strap sandals. Hinayaan ko nang nakalugay ang aking mahabang buhok. Nang makuntento sa aking itsura ay lumabas na ako ng silid.
Pagkalabas ng bahay ay bahagya akong natigilan nang salubungin ako ng isang lalaking nakasuot ng suit. Isa sya sa mga tauhang nakita ko sa unang bahay kung saan ako dinala ni Adam,
"Ma'am, dito po tayo," inihatid nya ako patungo sa likod ng aming bakuran. Muli akong natigilan habang tumatama ang malakas na hangin sa amin. Nakita ko si Adam na nakatayo malapit sa isang helicopter na nakaparada sa isang malawak na lawn.
Nakangiti itong lumapit sa akin at inabot ang aking kamay,
"You will fly this heli?" taka kong tanong
Tumango ito, "Let's go, I have something prepared for you,"
Hindi ko napigilang mapangiti. O kiligin? Aaminin ko, I didn't expect he could be this romantic.
Inalalayan nya akong makasakay sa loob. Pagkatapos nito ay naupo na rin sya sa aking tabi at inayos ang strap sa aking katawan at sa kanya. Ilang sandali pa ay pinalipad na nya ang heli at unti unti na kaming lumipad sa himpapawid.
Hindi mapawi ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang mga kumikinang na ilaw sa kalupaan. Ilang sandali ay muli kong nakita ang mga ilaw mula sa mga daan at gusali ng Manila
"I'm glad you're enjoying the flight," tugon nito
"I definitely am, Captain," tugon ko, "I didn't know that you're a pilot,"
"I'd do anything for you, Anastasia," sandali itong bumaling ito sa akin bago ibalik ang paningin sa himapapawid. Habang pinagmamasdan ang kanyang mga mata ay lalong nahuhulog ang aking loob para sa kanya
"We'll prepare for our descent," sambit nito. Matapos ang ilang sandali ay lumapag ang aming sinasakyan sa rooftop ng isang building. Tulad kanina ay mayroon ding nakaabang na mga lalaking nakasuot ng suit. Marahil ay mga tauhan rin ni Adam ang mga ito. Pagkalapag ay inalalayan nila kami pababa ng sasakyan,
"Salamat," sambit ko sa isa sa kanila
Nang pareho kaming nakababa ay hinawakan nya ang aking kamay at iginiya ako pababa patungo sa pinakamataas na palapag sa loob ng gusali. Napakamoderno ng palapag na ito. Naghahalo ang kulay brown at grey na pinatitingkad ng silver at glass sa ilang mga fixtures nito. Mayroon itong maluwag na reception samantalang sa isang tabi ay ang nag iisang opisina na yari sa floor to ceiling glass wall. Sa kabilang banda naman ay isang malaking conference room na gawa rin sa glass wall.
Naglakad kami patungo sa loob ng opisina hanggang sa makarating kami sa isang pinto. Pagkabukas nito ay sinalubong kami ng isang malawak na silid kung saan mayroong naghihintay na candlelight dinner table
Hindi ako nakaimik dahil sa surpresa ni Adam. Naramdaman ko ang halik nito sa sulok ng aking leeg habang ipinulupot ang kanyang mga braso sa aking baywang mula sa likod,
"Do you like it, Honey?" tanong nito
Lumingon ako sa kanya, "I- I don't know what to say. Everything felt so surreal. I don't know if I really deserve this," napayuko ako dahil sa hiya lalo na sa tuwing naaalala ko kung paano ko sya pinagtabuyan noon
Muli nya akong ikinulong sa kanyang mga bisig, "You definitely deserve this, Anastasia,"
Hawak pa rin nya ang aking kamay nang naglakad kami palapit sa dinner table. Ipinaghila nya ako ng silya saka ako naupo. Nang makaupo na rin sya ay pinagsaluhan namin ang masarap na hapunan habang ineenjoy ang tanawin ng city skyline sa gabi mula sa floor to ceiling glass walls ng silid na ito
"Noong lumuwas ka sa Manila, dito ka nag opisina?"
Tumango ito
"This is really a nice, sleek and modern office. I wonder kung ano pa ang matutuklasan ko tungkol sa 'yo," hindi ko napigilang magwika
Ibinaba nito ang kubyertos at hinawakan ng isa nyang kamay ang akin,
"Kung sino ang Adam na nasa harap mo, this is who I really am,"
"I know you might be feeling overwhelmed right now, pero ako pa rin ang lalaking nagmamahal sa 'yo simula pa noon hanggang ngayon,"
Tumayo ito at lumapit patungo sa akin. Lumuhod ito sa aking harap at hinawakan ang aking kamay,
"Mahal kita, Anastasia. Kahit ilang beses pa tayong magkalayo, hahanapin pa rin kita. Hindi ako mapapagod na maghintay sa pag uwi mo," sabay halik nito sa aking kamay
Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata mula sa liwanag ng buwan. Maraming mga tanong sa aking isip. Ngunit sa pagkakataong ito, gusto kong sumugal. Pinipili kong sundin ang itinitibok ng aking puso.