Bagamat nanghihina ang aking mga tuhod ay pinilit kong tumayo agad at umikot na upang makalabas ng cafe. Ngunit hinuli nito ang aking pulsuhan, "Sandali Anastasia, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Paolo Lumingon ako dito, "Kailangan ko nang umalis," Unti unti nitong binitawan ang aking pulsuhan, "Mag iingat ka," Tumango ako at saka nagmadaling maglakad paalis. Agad kong nakasalubong si Megan bitbit ang inihandang pagkain at inumin para sa akin. Bahagya itong natigilan, "Oh, Anastasia, aalis ka na?" nagtataka nitong tanong Tumango ako, "Pasensya na, Megan. Kailangan ko nang umalis agad," Hindi ko na ito hinintay pang sumagot at bagkus ay dumiretso na palabas. Nagmamadali akong naglakad at pumara ng taxi, "Sa Alfonzo Building po," sambit ko sa driver pagkasakay sa loob Ma

