CHAPTER 22

2639 Words
"Ma, Isabela, hindi pa dumadating si Adam," sambit ko pagkarating sa kanilang bahay "Anak, anong nangyari?" tanong ni Mama "Kanina pa po umuwi sina Philos pero hindi kasama si Adam... ang sabi ni Philos nagpaiwan pa raw sa dagat si Adam para sumisid sa hinahanap nitong huli. Isang oras na, wala pa sya!" nanginginig ang aking boses "Hindi ko alam kung ano na bang nangyari sa kanya... hindi ko alam ang gagawin ko!" tuluyan nang nabasag ang aking boses at bumagsak ang aking mga luha Agad namang lumapit si Isabela upang ako'y yakapin "Diyos ko, ingatan Nyo ang aking anak," tila nanghina ang matanda sa pag aalala "Pasensya na Mama, sobra lang talaga akong nag aalala," "Ate, Mama, kalma lang tayo. Di ba may naitabi tayong speedboat? Tatawagan ko si Ka Manuel!" "Isabela, ako nang pupunta kay Ka Manuel. Samahan mo muna si Mama," sambit ko Tumango naman si Isabela. Wala na akong inaksayang panahon at gamit ang aking payong ay naglakad na ako kina Ka Manuel, "Naku Hija, hindi natin magagamit ang speedboat dahil sira ito. Hinihintay pa namin ang mekaniko galing sa Maynila para gawin ito," "W-wala po ba ibang paraan? O kaya ibang bangka na pwedeng gamitin?" "Pasensya na Hija. Gusto man naming tumulong, sa lakas ng ulan at hangin, delikado rin kung ang gagamitin ay ang ordinaryong bangka," Napahilamos ako ng mukha dahil sa sinabi nito "Anastasia," kakarating ni Philos "Philos, tulungan mo ko," hinawakan ko ang kamay nito, "Baka kung napaano na si Adam," "Ang totoo nyan ay pumunta rin ako dito kay Ka Manuel upang humingi ng tulong dahil alam ko'y may extrang speedboat. Pero mukhang wala tayong magagawa sa ngayon kung hindi maghintay na umayos ang panahon "Maghintay?! Yan lang ba ang masasabi ninyo?!" muling tumulo ang aking luha, "Nasa dagat ang asawa ko sa gitna ng bagyo, tapos anong gusto nyong gawin ko? Maghintay?!" "Anastasia, hindi sa ganoon. Nag aalala din kami katulad mo. Pero wala kaming magawa," tugon ni Philos Umiling ako, "Kung sumusuko na kayo, pwes hindi ako. Hahanapin ko ang asawa ko!" patakbo akong umalis sa lugar na iyon. Dahil sa lakas ng ulan ay halos nabasa na ang aking katawan. Basa na rin ang aking paa dahil sa putik ng nilalakaran. Ngunit hindi ko ito alintana dahil ang mahalaga sa akin ay mailigtas si Adam Dinala ako ng aking mga paa sa barangay. Natagpuan ko itong sarado na. Halos mawalan na ako ng pag asa nang tawagin ako ng isang matandang lalaki, "Hija! Anong kailangan mo? Maagang nagsara ang opisina ng barangay dahil sa lakas ng ulan," "Pwede ko po bang makausap si kapitan? Kailangan ko pong humingi ng tulong," "Napaano ka ba Hija?" "Asawa ko po si Adam. Inabutan sya ng bagyo habang pumapalaot sa dagat kanina at hanggang ngayon hindi pa sya nakakauwi," "Ganun ba, halika't sasamahan kita Hija sa bahay ni kapitan," Matapos ang ilang sandali ay nakarating na kami sa bahay ng kapitan. Matapos ang ilang doorbell ay lumabas ang anak nitong nakaaway ko dati upang buksan ang gate, "Ano ba naman kayo, ang lakas lakas ng ulan, pinalabas nyo pa ako dito! Ano bang kailangan nyo?!" "Kailangan ko ng tulong ni kapitan," sambit ko Umismid ito, "Oh, wow. Tingnan mo nga naman, ang tapang mo noon pero basang sisiw ka ngayon. At hihingi ka rin pala ng tulong sa amin," "Tama ka, I never imagined to humble myself in front of you. Pero alang alang sa asawa ko, gagawin ko para maligtas sya," "Sino bang kausap mo dyan sa labas? Ang lakas ng ulan!" sigaw ng kapitan mula sa pinto "Kapitan! Kailangan namin ng tulong!" tugon ng kasama kong matanda Kumuha ang una ng payong at lumapit sa amin. Pagkakita sa akin ay nagsalita ito, "Kilala kita. Ikaw ang nakaaway ng anak ko noon. Anong kailangan mo?" "Humihingi po ako ng tulong para sagipin ang asawa ko. Pumalaot kanina sina Adam sa dagat para mangisda kaso nagpaiwan pa sya doon. Hanggang ngayon hindi pa sya nakakauwi," "Mahirap ang hinihingi mo. Sa lakas ng ulan at hangin, delikadong pumalaot sa dagat," "Ganyan na rin po ang narinig kong sagot sa mga hiningan ko ng tulong. Pero ayokong sumuko. Kaya kahit alam kong hindi ninyo ako gusto, naglakas loob akong lumapit sa inyo. Dahil ayokong sumuko. Kaya pakiusap, tulungan nyo ako. Alang alang na lang sa asawa ko," kasabay ng patak ng ulan ang pagbagsak ng kanina ko pang pinipigilang luha Kapwa natahimik ang mag ama. Matapos ang ilang saglit ay nagwika ang kapitan, "Hihingi tayo ng speedboat kay Mayor. Pumasok na muna kayo sa loob," Para akong binunutan ng tinik dahil sa liwanag ng pag asa. Sumunod nga kami sa loob ng bahay nito. Mabait ang asawa ni kapitan at dinulutan kami ng tuyong tuwalya at makakain "Salamat po," "H'wag kang mag alala Hija. Maliligtas din si Adam," Matapos ang ilang sandali ay bumalik si kapitan, "Magpapadala si Mayor ng speedboat sa loob ng kalahating oras. Pupunta na muna ako sa tabing dagat upang abangan ito," "Sasama po ako," sambit ko "Ineng, dito ka na muna sa bahay. Delikado sa labas," "Dito ka na muna. Baka magkasakit ka pa dahil sa ulan," sambit ng anak ng kapitan "Pakiusap, gusto ko pong sumama. Hindi rin po ako mapapakali kung mananatili ako rito," Napabuntong hininga si kapitan, "Sige, payag na ako Ineng. Pero hayaan mong kami na lang ang pumunta sa dalampasigan. Ihahatid muna kita sa inyo," Sumama na kami ng kasama kong matanda kay kapitan. Ibinaba muna ako ni kapitan sa bahay nina Mama at Isabela. Naroon din sina Philos at Ka Manuel, "Anak, kamusta na," tanong ni Mama. Napansin din nito sina kapitan at ang matanda "Magandang hapon po kapitan," "Inihatid ko po muna dito si Anastasia. Lumapit sya sa akin kanina upang humingi ng tulong," "H'wag na po kayong mag alala, tutulong po kami sa paghahanap kay Adam. Nagpadala si Mayor ng speedboat sa dalampasigan," dagdag nito "Salamat sa Diyos," ani Mama habang si Isabela naman ay napaiyak sa tuwa "Salamat po kapitan," dagdag ni Mama "Kapitan, sasama po kami ni Ka Manuel sa paghahanap kay Adam," sambit ni Philos "Sige, sumunod kayo," tugon ni kapitan "Maiwan na po muna namin kayo rito," paalam ni kapitan sa amin "Anak, maraming salamat sa 'yo," sabay yakap sa akin ni Mama. Sumunod din si Isabela, "Salamat Ate," "Magdasal na lang po tayo na sana ligtas si Adam," tugon ko "Magtiwala tayo sa Diyos, Anak," "Ate, Mama, kumain na muna tayo," yaya ni Isabela. Matapos naming kumain ay nagpaalam muna ako upang umuwi sa aming bahay. Doon ay muli akong naligo at pagkatapos ay nagpahinga sa aming silid. Nabasa ang aking unan mula sa aking pag iyak na dulot ng pinaghalu halong takot, kaba at pag aalala. Pinagmasdan ko ang pagbagsak ng malakas ulan mula sa bintana. "Sigurado ka na ba, Anastasia?" Batid ko na isang malaking sapalaran ang nais kong mangyari habang binabasa ang sulat ni Paolo. Ngunit ayokong pumunta sa Amerika. I know I will disappoint Mom and Dad, pero sa unang pagkakataon gusto kong sundin kung anong sinasabi ng puso ko. I love Chase as my friend pero si Paolo ang laman ng aking puso "Oo. Magkita tayo sa coffee shop ng Sabado, 1PM" Kinabukasan, muli kong natanggap ang kanyang sulat sa aking locker, "Doon muna tayo sa bahay namin sa probinsya. Sabik na sina Mama at ang kapatid kong babae na makita ka," Nang sumapit ang Sabado ay maaga akong nag ayos ng gamit sa aking silid. Hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko sa probinsya pero bahala na. May tiwala ako kay Paolo. Isa pa, nakapasa na ako sa full scholarship exam para sa kursong Fine Arts sa pangarap kong unibersidad. Pareho kaming magwoworking student ni Paolo para matustusan ang iba pa naming gastusin sa pag aaral. Siguro ay kung kaya ni Ate Cristina, kakayanin ko rin na pagsikapang makamit ang aking mga pangarap. Nasa opisina si Dad habang nasa charity event naman si Mom. Bitbit ang aking bag ay mag isa akong umalis ng bahay. Hindi na ako nagpahatid pa sa aming driver. Nagdahilan na lamang ako sa kasambahay na magkikita kami ni Madi sa malapit sa subdivision at sa kanila ako magoovernight. Nagpasya akong pumunta sa coffee shop nang maaga. Kinse minutos na lang bago mag ala una. Habang naghihintay ay umorder muna ako ng dalawang kape, isa sa akin at isa kay Paolo. Bumili na rin ako ng dalawang tinapay para maging baon namin mamaya sa bus. Sumapit na ang ala una pero wala pa sya. Siguro ay natrapik lang sya pero darating na rin mayamaya. Patuloy akong naghintay hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan. Trapik ang mga sasakyan sa labas habang ang mga tao ay nagmamadaling tumakbo patungo sa kani kanilang masisilungan. Ang iba nama'y sumakay na ng sasakyan patungo sa kanilang patutunguhan. Ang mga nadatnan kong kustomer dito sa coffee shop kanina ay nakaalis na at napalitan na ng mga bago. Ngunit nandito pa rin ako at naghihintay. "Nasan ka na ba Paolo?" tanong ko sa aking isip Patuloy na uminog ang mundo ngunit naiwan akong naghihintay sa kanyang pagdating. Walang patid ang aking paningin sa pinto ng coffee shop at umaasang may lalaking lalapit sa akin at magpapakilalang si Paolo. Hanggang sa sumapit na ang gabi ngunit walang sumipot "Miss, okay ka lang ba?" lumapit sa akin ang store manager "Napansin ko kasi na parang kanina ka pa mayroong hinihintay. May number ka ba nya? Tawagan natin," Pinunasan ko ang namumuo kong luha, "H'wag na po. Okay lang po ako. Darating din po sya, may inaasikaso lang," Sari sari ang tumatakbo sa aking isip. Naging tanga lang ba talaga ako at naniwala kay Paolo? Ni numero nya ay wala ako. Tumango ang store manager, "Basta kung may kailangan ka, h'wag kang mahiyang magsabi," "Salamat po," tugon ko Ilang oras pa ang lumipas at kasabay ng pagluha ng langit ay ang kawalan ng pag asa na aking nararamdaman. Walang Paolong nagpakita hanggang sa gumayak nang magsara ang coffee shop. Napansin kong palapit muli sa akin ang store manager, "May sasakyan ka ba pauwi? Pwede kitang ihatid sa inyo Hija," "H'wag na po. Okay lang po ako," pinilit kong ngumiti, "May tatawagan lang po ako" Tinawagan ko si Madi, "Madi, sa inyo muna ako matutulog ha," "Sure, Bes. Nagkita ba kayo ni Paolo?" "Hindi, hindi sya sumipot," "Huh?! Teka nasan ka? Puntahan kita dyan," "H'wag na Bes, malakas ang ulan. Magtataxi na lang ako papunta sa inyo" "Sige, ingat Bes," "Salamat," Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at lumabas ng coffee shop. Sinubukan kong pumara ng taxi ngunit halos lahat ay puno ng pasahero. Nagpasya akong maglakad sa kabilang banda ngunit wala akong natagpuang payong sa aking bag Sa kabila ng malakas na ulan ay tumakbo lakad ako upang makaalis. Maginaw at basang basa na ang aking damit kaya naman tuluyan ko nang ibinuhos ang kanina pang pinipigilang pag iyak. Halu halong inis, awa sa sarili, kaba at pagsisisi ang aking nararamdaman. Higit sa lahat ay ang hapdi ng aking kalooban dahil sa nangyari. Bakit hindi sya sumipot? May nangyari bang masama sa kanya? Nagbago ba ang isip nya? Bakit? Niloko lang ba nya ako? Bakit nya ako pinaasa? Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa pamumuo ng luha kasabay ng pagbagsak ng ulan. Dahil sa panghihina ay tuluyan na akong nadapa "Naliligaw ka yata, Miss?" ani ng isa sa mga lalaking lumapit sa akin "Taga saan ka ba Miss? Gusto mo, iuwi ka na lang namin?" sabi naman ng isa Inangat ko ang tingin sa kanila at hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Pinilit kong maging matapang. Agad akong tumayo at hindi sila pinansin. Bagkus ay nagtuluy tuloy ako sa paglalakad "Aba, suplada ka ah!" sigaw ng isa "H'wag mo kami basta basta tinatalikuran!" sabay ang paghigit ng isa sa kanila sa aking braso "Bitawan mo ko!" inihampas ko ang aking tuhod sa kanyang umbok. Napahiyaw ito sa sakit at ako'y nabitawan Dali dali akong tumakbo upang takasan ang dalawa. Pilit akong pumapara ng taxi ngunit ayaw akong pagsakyan dahil may sakay na ang mga ito. Paglingon ko'y tumatakbo sila palapit sa akin kaya naman nagpatuloy ako sa pagtakbo habang walang tigil sa pag iyak. Nang may makasalubong akong lalaki ay sinubukan kong humingi ng tulong ngunit binalewala ako nito. Sinubukan kong lumiko sa isang kanto upang iligaw sila ngunit natagpuan ko ang isang dead end "Ha! Akala mo makakatakas ka sa amin?" "Anong kailangan nyo?! Pera? Eto, kunin nyo na ang bag ko, umalis na kayo!" Kapwa tumawa ang dalawang lalaki, "Hindi nga kami nagkamali, mapera ka nga! Kaso, papalagpasin pa ba namin ang pagkakataon na makatikim ng sariwa at magandang dalaga?!" muli itong humalakhak "Tulungan nyo ko! Saklolo!" sigaw ko Unti unti silang lumapit. Ang kanilang mga mata'y namumula at tila mga hayop na aatake. "Lubayan nyo na ako, parang awa nyo na!" napatakip ako ng mukha sa sobrang takot habang walang patid ang pag iyak Sa isang iglap ay nakarinig ako ng isang malakas na hampas. Pagmulat ng aking mga mata'y nakahandusay ang isa sa mga lalaki habang ang isa'y nakikipaglaban sa isang di kilalang lalaki. Dahil sa kukurap kurap na ilaw ay hindi ko maaninag ang lalaking sumagip sa akin. Hinampas din nito ang isa sa mga lalaking nagtatangka sa akin ngunit laking gulat ko ng bigla akong kunin ng kaninang nakahandusay na lalaki, "Ah! Bitawan mo ako!" idiniin ako nito sa pader at sinakal ang aking leeg. Mabilis nitong tinanggal ang kanyang sinturon at ibinaba ang zipper nito. Tumambad ang a*i nito at itinutok sa akin habang tinitignan ako gamit ang kanyang mga matang puno ng pagnanasa, "Anastasia!" akmang hahampasin ng lalaki ang nagtatangka sa akin "Sige! Subukan mong lumapit dito at ii*otin ko ito sa harap mo!" sabay ang halakhak nito "Bitawan mo ko!" sigaw ko "Sige! Subukan mo!" sabay tutok sa akin ng patalim "Ah!" sinuntok ng isa sa mga nagtatangka sa akin ang lalaki. Nanlaban ang huli at naagaw ang hawak nitong patalim. Akma na nitong sasaksakin ang isa sa mga nagtatangka ngunit muli akong sinakal at tinutukan ng patalim ng lalaking may hawak sa akin, "Subukan mong saksakin yan, totodasin ko na ang babaeng ito!" Bahagyang natigilan ang lalaki at sinamantala ito ng kalaban upang agawin muli ang patalim. Sinuntok ito ng kalaban at ginulpi. Hindi pa nakuntento ang kalaban at hinampas nito nang paulit ulit ang lalaki "Tama na!" hiyaw ko Nang manghina ang lalaki ay nilubayan ako ng lalaking may hawak sa akin at saka nagsindi ng sigarilyo. Matapos humithit ay pinaso nito nang paulit ulit ang lalaking nakahandusay "Pakealamero ka kasi, nawala tuloy ang l*bog ko dahil sa pangengealam mo! Kaano ano mo ba itong babae ha! Alam mo bang kapag kinalaban mo kami, kinakalaban mo si boss na nag utos sa amin?!" muli itong humalakhak at hinampas ang lalaki Nanghihina man ay nakakita ako ng bakal sa isang tabi. Dahan dahan akong gumapang upang kunin ito "Walang hiya kayo!" hinampas ko ang ulo ng lalaking nagtangka sa akin. Ang isa'y akma akong sasaksakin nang bigla itong humandusay mula sa putok ng baril ng mga pulis Napaluhod ako dahil sa panghihina at labis na pag iyak. Agad akong lumapit sa lalaking sumagip sa akin, "Salamat. H'wag kang mag alala, nandito na ang mga pulis, madadala na tayo sa ospital," Bagamat nakadapa at duguan ay lumingon ito sa akin, "Anastasia, patawarin mo 'ko," "P-Paolo?" "Hija, kamusta ka na? Nandito na ang mga pulis. Dadalhin namin kayo sa ospital," ani ng store manager kanina sa coffee shop Bumaling ako dito, "Salamat po," Dahil siguro sa sobrang pagod at gutom ay tuluyan na akong nawalan ng malay "Ate Anastasia!" Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko si Isabela. Basa ang aking mga mata at tila umiyak ako habang natutulog, Ngumiti ito, "Salamat sa Diyos, nandito na sina Kuya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD