"Alin dito sa dalawa ang mas bagay sa akin?" kasalukuyang nakaharap si Ate Cristina sa vanity mirror habang hawak hawak ang dalawang sundress at salitang ipinapatong sa kanyang harapan Kakalabas ko lamang ng bathroom suot ang aking bathrobe. Inalis ko ang tuwalyang nakaturbina sa aking ulo at gamit ito ay sinimulan kong tuyuin ang aking buhok, "Mmm, mas bagay sa 'yo yung yellow," Muli nitong ipinatong sa kanyang harap ang yellow sundress at ngumiti, "Okay! You really have a nice taste," Ngumiti ako at nagsimula na ring magbihis "Bunso, pagkatapos mong mag ayos, tawagin mo na ang asawa mo. Let's stroll muna bago ang flight ko mamaya," "Huh?" tugon ko "Si Adam. Hindi ba sya sasama?" Pagkaayos ko ng aking damit ay inangat ko ang paningin kay Ate Cristina, "Ate, hiwalay na kami ni Ada

