Nakakaaliw pagmasdan ang tanawin mula sa himpapawid. Sa kabila ng kadiliman ng gabi ay naroon ang mga maliliit at kumukutitap na ilaw ng lungsod. Hindi ko maiwasang maalala noong una nya akong isinakay sa kanyang helicopter upang dalhin sa aming dinner date. Mula sa tanawin ng kalupaan at karagatan ay ibinaling ko ang pansin sa lalaking nasa aking tabi. Seryoso ang kanyang mukha habang matamang pinapalipad ang aming heli. Sa tuwing maaalala ko ang aming mga pinagsamahan noon... pati ngayong magkasama kami, ay hindi ko maiwasang hilingin na sana lahat ng iyon ay totoo. Na sana minahal nya ako hindi dahil sa pera kundi dahil ako ang pinipili nya. Pero... it doesn't matter now. We've gone our separate ways. He's already happy without me. "Is there anything wrong?" Agad nag init ang aking

