"You're a beautiful bride, as ever," nakangiting sambit ng baklang make up artist habang kakatapos nitong padaanan ng blush on brush ang aking pisngi. Pinilit kong ngumiti bilang tugon. Umalis na ito habang naiwan akong nakaharap sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon. Unti unti ay naglaho ang ngiti sa aking labi. I could see a different woman from who I used to be. Sa kabila ng kumikislap kong alahas ay ang malamlam kong mga mata. Sa kabila ng magara kong ayos at damit ay tila may kulang pa rin sa aking kalooban na hindi mapunan. Pinilit kong balewalain ang aking nararamdaman. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at nagpasyang tumanaw mula sa bintana habang hinihintay ang wedding coordinator. Mula sa aking kinatatayuan sa mataas na palapag ng hotel ay agad nagkabuhul buhol a

