Tulala ako habang nakamasid mula sa bintana ng aming sasakyan. Ang bawat gusali, puno, at mga taong naglalakad ay nagmistulang mga bagay na dumadaan lamang sa aking kamalayan. Nakikita ko sila ngunit blanko ang aking isip. Umaandar ang aming sasakyan ngunit tila tumigil ang aking mundo. "Anak?" Agad akong natauhan at bumaling sa aking ama, "Dad?" Ngumiti ito, "Nasa gallery na tayo," Ngayon ko lamang napagtanto na inihatid na pala ako nina Dad sa aking trabaho. "Okay ka lang ba, Anak? Kanina ka pa parang wala sa sarili," Napalunok ako at pinilit na iwaksi ang bigat ng aking nararamdaman, "I'm fine, Dad. Thanks again for the lunch," Matapos magpaalam ay bumaba na ako ng sasakyan at dumiretso na sa loob ng gallery. Gulung gulo ang aking isip. Tila bawat hakbang palapit sa aking opis

