TAHIMIK na umiinom si Luke sa sulok ng Bar habang hinihintay ang mga kaibigan nito. Nagkayayahan kasi silang apat na mag-inuman. May bahagi sa puso nito na nagu-guilty dahil may namamagitan sa kanila ni Chelsea. Pero hindi naman niya magawang maamin sa mga kaibigan ang tungkol dito.
Maya pa'y dumating na si Daven. Ang bayaw nito at matalik ding kaibigan.
"What's up, dude? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" wika nito na tinapik sa balikat ang kaibigan at naupo sa tabi nito.
Pilit itong ngumiti na umiling at tinungga ang shot nito. Nagsalin naman si Daven ng whiskey sa baso nito na inisang lagok.
"Let me guess it, dude." Anito na may ngising naglalaro sa mga labi. "Babae 'yan noh?" tudyo pa nito.
Napailing lang naman si Luke na muling tinungga ang shot nito.
Puro ka babae. It's about business." Pagkakaila nito na ikinatawa ng kaibigan.
"Sa akin ka pa talaga magsisinungaling. You're not good at lying, Payne." Saad nito na ikinatikhim ni Luke.
"Fine. It's about this little girl who's chasing me. I can't claim her but I can't resist her presence." Wika ni Luke na napailing.
"What do you mean, dude? May dalagang naghahabol sa'yo?" pagkaklaro ni Daven dito na tumango. "How old is she?"
"Eighteen."
"Fvck!"
Napaubo si Daven na naibuga nito ang iniinom na alak na marinig kung ilang taon na ang dalagang naghahabol sa kaibigan!
"I know it's wrong. Hindi ko siya pwedeng magustuhan at angkinin. She's too young. And the fact that her family is close to me. Tiyak na isusumpa ako ng pamilya niya kapag nalaman nilang nagkakaibigan kami pero. . . hindi ko rin mapigilan ang sarili ko eh. Lalo na kapag nand'yan na siya. Ang hirap gawin ng tama at ang hirap niyang tanggihan." Pagkukwento nito na ikinalunok ni Daven na napatitig dito.
"You mean. . . you like her now?"
He smiled bitterly as he nodded to his friend. Napahinga ng malalim si Daven na tinapik ito sa balikat.
"If you really love each other? Then fight for it, dude. Mahirap sa umpisa. Pero para saan pa't maipapanalo din ninyo ang pag-iibigan niyo," pagpapayo ni Daven ditong hindi nakasagot.
Maya pa'y dumating na sina Chloe at Delta na lumapit sa mga itong napatayo at fist bump sa dalawang bagong dating.
"What's up, dude? Bakit pang byarnes santo ang mukha mo?" tanong ni Delta na mapansing hindi makatingin sa kanila ng diretso si Luke.
Inakbayan naman ito ni Daven na napangisi sa mga kaharap.
"I have a good news, this friend of ours is in love," walang prenong sagot ni Daven na ikinaubo nila Chloe at Delta na kaharap nila.
Habang si Luke naman ay napatungga sa shot nito na binundol ng kaba sa dibdib!
"Really? Who's this lucky girl?" bulalas ni Chloe na may malapad na ngiti sa mga labi.
Napatitig si Luke sa kaibigan nito na nakangiti sa kanya at bakas ang excitement sa mga mata nito.
"Wala. Uhm, bago pa lang kame, dude. Hindi pa opisyal na magkarelasyon kami," sagot ni Luke na nag-iwas ng tingin.
Naghiyawan pa ang tatlong kaibigan nito na napa-toss ng baso sa isa't-isa at bakas ang tuwa sa mga ito sa nalaman. Sa kanilang apat kasi ay si Luke na lang ang wala pang asawa sa grupo. Si Chloe ang unang nag-asawa sa kanila. Nasa twenties pa lang ito nang ikasal na sila ng asawa nito. Sumunod naman si Delta na bata pa ang napangasawa. Panghuli si Daven na ngayon-ngayon lang din nagpakasal na kapatid ni Luke ang napangasawa.
"Do you need our help, dude?" ani Delta na kitang masaya din para dito.
Napangiti si Luke na napakamot sa batok. "Uhm, kailangan ko nga ng tulong, dude. Tiyak kasing hindi makakapayag ang ama at Tito niya kapag nalamang may namamagitan sa amin eh." Pasimpleng wika ni Luke na pinag-aralan ang reaction nila Chloe at Delta.
"Problema ba iyon? Daanin natin sa material na bagay, dude." Suhest'yon naman ni Chloe na ikinailing nito.
"Their family is richer than I, dude." Wika nito na ikinalungkot ng mga kaibigan.
"What if daanin natin sa magandang usapan?" wika naman ni Daven dito na napasimsim sa alak nito.
"I don't think so. Hindi nila ako gusto para sa kanya, dude." Sagot ni Luke na ikinabuntong hininga ng tatlo.
"Eh daanin natin sa santong paspasan." Suhest'yon naman ni Delta na napangisi sa mga kaibigan.
"What do you mean, dude?" curious na tanong ni Luke ditong napangising aso.
"Itanan mo, Payne. Buntisin mo para wala ng kawala sa'yo. Kapag nabuntis mo na siya? Wala nang magagawa ang pamilya niya kundi ang ipakasal kayong dalawa." Saad nito na puno ng kumpyansa sa suhest'yon.
Napangiwi naman si Luke na napalingon kay Chloe na napangisi at iling.
"Pambihira ka talaga, Madrigal. Alalahanin mong may mga prinsesa ka. What if someday sa anak mo mangyari 'yan, hmm?" wika ni Chloe ditong napatikhim.
"I'm just suggesting, dude."
MADALING-ARAW na nang lumabas ang apat sa Bar. Halos hindi na makalakad ang mga ito na inaalalayan ng kani-kanilang bodyguard.
"Dude, can I come with you? Hindi ko kasi naibigay kay Chelsea 'yong regalo ko no'ng birthday niya eh." Wika ni Luke na ikinatango ni Chloe.
"Sure, dude. No prob." Sagot nito na inakbayan pa ang kaibigan pasakay ng kotse.
Pulang-pula na ang kanilang mukha at halos magsarado na ang mga mata nila sa sobrang kalasingan. Habang nasa byahe ay sumandal na rin si Chloe dito na napapikit na.
"Anyway, dude. Alam mo. . . may kasintahan na yata ang prinsesa natin," lasing na turan ni Chloe na ikinalunok ni Luke.
"Paano mo nasabi, dude? Did she say it to you?" kabadong tanong nito sa kaibigan.
"Nah. I've heard her last night. She's talking on the phone with that guy," sagot nito na nanatiling nakapikit habang nakasandal sa balikat ni Luke.
Napalunok si Luke na nahimasmasan sa kanyang kalasingan. Pinagpawisan ito ng malapot na bumilis nang bumilis ang kabog ng dibdib.
"A-anong sinabi?" utal nitong tanong sa kaibigan na napailing.
"Wala naman akong masyadong narinig, dude. I've just heard her say's I love you with that guy," sagot nito.
Napapahid ng pawis sa noo si Luke na napabuga ng hangin. Mabuti na lang pala at iyon lang ang narinig ni Chloe sa usapan nila kagabi kay Chelsea. Tumawag kasi si Chelsea sa kanya na nangungulit tungkol sa pagpunta nila sa Siargao sa weekend. Nasasabik na raw ito na makapag bakasyon sila na silang dalawa lang. At aminado naman si Luke na gano'n din ito.
"Baka naman kaibigan niya lang ang kausap, dude. Alam mo naman si Chelsea. Malambing na bata," wika ni Luke dito na hindi na sumagot.
Napasilip ito sa mukha ng kaibigan at napailing na lamang na makitang nahihimbing na ang kaibigan nito.
"I'm sorry, dude. Pakiramdam ko ay tinatraydor ko kayo na nagkakaibigan kami ng anak mo. I hope someday you still accept me. Kapag nalaman niyong. . . may namamagitan sa amin ni Chelsea," piping usal ni Luke na nakamata sa kaibigan nitong napahiga na at umunan sa hita nito.
Napahaplos ito sa ulo ni Chloe na mapait na napangiti. Sa kanilang apat, si Luke ang pinakabago sa grupo. Naging kaibigan niya si Chloe at Delta dahil kay Daven. Noong una ay mailap si Chloe sa kanya. Hanggang sa nahuli din nito ang kiliti ni Chloe at naging matalik din silang magkaibigan.
Ni minsan ay wala silang napagtalunan. Sa kanilang grupo, si Chloe lang ang hindi pinasok ang mundo ng mafia. Si Delta, Daven at Luke ay kilalang mga big boss ng mafia na pinamumunuan nila. Binuwag na rin ni Delta ang mafia nito nang mag-asawa na ito at nag-focus sa kumpanya nila. Kaya naman silang dalawa na lang ni Daven ang nananatiling buhay na buhay pa ang mafia nila.
Sa dalawang dekada na pagkakaibigan nila ni Delta at Chloe, nakilala na niya ang mga ito. At kabisado niya kung paano magalit ang dalawa. Lalo na pagdating sa kanilang pamilya. Kaya kahit gustong-gusto nitong magtapat sa mga kaibigan nito ng tungkol sa kanila ni Chelsea, mas nananaig ang takot sa dibdib nito. Takot na ilayo sa kanya si Chelsea. At takot na masira ang friendship nilang apat.
PAGDATING nila ng mansion, si Luke na ang umakay kay Chloe paakyat sa silid nilang mag-asawa. Ilang beses pa silang muntik mapasubsob sa sahig na hindi na makalakad si Chloe at nahihilo din si Luke. Lalo na't matangkad at matipuno din si Chloe kaya ang bigat nitong dalhin.
"Roselle?" pagtawag ni Luke na kumatok sa pinto.
Ilang segundo pa ay bumukas ang pintuan na bumungad ang asawa ng kaibigan nitong kitang bagong gising.
"Naku naman, Chloe!" impit na tili nito na makita ang asawang nakalupaypay sa balikat ni Luke.
"Pasensiya ka na, Roselle. Hindi ko kayang buhatin eh. Ang bigat," wika ni Luke dito na niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.
"Naku, ako nga dapat ang humingi ng pasensiya sa'yo eh. Pasensiya ka na, Luke sa kaibigan mo," wika nito na inalalayan itong ihiga si Chloe sa kama.
"Wala ito, uhm. . . sa guestroom niyo nga pala ako matutulog, Roselle. Kung okay lang sa'yo?" ani Luke dito na hinubad ang sapatos ni Chloe.
"Oo naman. You're always welcome here, Luke. Magpahinga ka na rin. Ako ng bahala sa magaling na Montereal na 'to," sagot ni Roselle ditong ngumiting tumango.
"Sige, salamat ha?"
"You're welcome."
Paglabas ni Luke ng silid ay dinaanan pa nito ang silid ni Chelsea. Napatikhim ito na tinawagan ang dalaga na napabalikwas sa kama.
"Ninong?" bulalas nito na napakusot-kusot ng mga mata.
"Hi, uhm. . . nandito ako sa labas, sweetheart." Sagot nito na ikinabangon ni Chelsea na patakbong tinungo ang pinto.
"Ninong--uhmm!"
Napangiti si Luke na napaungol itong sinalubong niya ng halik sa mga labi.
"Goodnight, sweetheart. Sa guestroom niyo nga pala ako matutulog," pabulong saad nito na ikinalapat ng labi ni Chelsea.
"Ayaw mo ba dito?" pabulong sagot nito na ikinailing ni Luke.
"Naughty. Goodnight." Anito na ngumiti sa dalagang napabusangot.
"Ninong naman eh."
"Sige na, sweetheart. I just wanna see and kiss you before I sleep," kindat nito sa dalaga na tuluyang isinarado ang pinto.
Nangingiti itong tumuloy sa katabing guestroom ng silid ni Chelsea na dinig niya pang napairit at hindi pa naibaba ang linya.
"Matulog ka na, sweetheart. Inaantok na rin ako," wika ni Luke na ikinairit ni Chelsea sa kabilang linya.
"Madaya ka, Ninong."
Natawa ito na napasapo sa noo. "Nag-iingat lang, sweetheart. Goodnight na. Mahal kita."
Napairit pa si Chelsea sa narinig na nag-init ang mukha. "Fine. Goodnight, Ninong. Mas mahal kita."