WHAT happened!? Akala ko ba kaya niyong pabagsakin ang kumpanya ng Payne na ‘yon!? Bakit kayo ang naalis sa pwesto!?” nanggagalaiting bulyaw ni Albert Acosta sa dalawang tauhan niya. “We don't know, Sir. Bigla na lang nagpatawag ng conference meeting ang CEO, si ms Chelsea Montereal. At ipinakita sa lahat ang mga nawawalang funds ng kumpanya na nakapangalan sa amin. Nagbotohan sa loob ng conference at lahat ng mga shareholders ay sumang-ayon na mapatalsik kami ng kumpanya,” paliwanag ng isa na bakas ang takot sa itsura. “That's bullshit! Nandoon na tayo eh!” bulyaw ni Albert na naihagis ang hawak nitong baso na may lamang alak. Napahilot ito sa sentido na kinakalma ang sarili. Unti-unti na sana niyang napapasok ang kumpanya ni Luke dahil malaya nilang nananakawan ang funds nito. Pero n

