NATATAWANG nakurot ni Chelsea ang Ninong nito sa inasta. Para kasi itong bata na may kaaway ang itsura. “What is his full name again?” ani Luke na humarap sa laptop nito. “Ano ka ba? Para ka namang sira. Bumati lang ‘yong tao. Wala naman siyang sinabing masama,” pagalit ni Chelsea na seryoso nga itong ifired ang lalake. “Kahit na. I don't like him. Halata namang gusto ka niya. Nagpapa-cute pa. Akala mo naman,” inis na saad nitong hinahanap ang resume ng HR department manager nila. Natawa si Chelsea na niyakap na lamang ito. “Magtigil ka nga. Ang dami-dami mong dapat unahin. Hwag ka ng maging perwisyo sa iba. Para namang ipagpapalit kita,” panunuyo ni Chelsea dito na hinagkan ito sa pisngi. Napahinga ng malalim si Luke na nakabusangot pa rin. Alam naman niyang maraming nagkakagusto

