PALAKAD-LAKAD si Chelsea sa opisina habang hinihintay ang pagdating ni Luke na nagtungo sa apartment nila ni Therese. Gusto niya sanang sumama pero minabuti ni Luke na maiwan siya dahil baka mag-away lang sila ni Therese. Maya pa'y nag-vibrate ang cellphone nito na ikinatigil nito sa paglakad-lakad. Napangiti ito na mabasang ang Daddy Chloe niya ang caller na kaagad niyang sinagot. “Hello, Dad? How are you po?” bungad nito. “I'm fine, sweetie. Don't worry about me. Ikaw itong inaalala ko. Kumusta ka d'yan, hmm?” sagot ni Chloe na ikinahinga nito ng maluwag. “Maayos po ako dito, Daddy. Nandito nga pala ako sa opisina. Nagtalo kasi kami ni Chaderick noong nakaraan na umalis kayo ni Mommy,” pagkukwento nito sa ama. “Pagpasensiyahan mo na ang mga kapatid mo, sweetie. Pasensiya ka na r

