NANGINGINIG si Chelsea na mahigpit ang kapit sa manibela. Sa inis niya kay Luke ay napa-drive tuloy ito! “Oh my God! I can't!” impit nitong tili na itinigil ang kotse sa gilid ng daan at sobrang nanginginig ang katawan niya! Napatakip ito ng palad sa tainga at lalong bumabalik sa isipan niya ang tagpong binunggo ang kotse niya! Idagdag pa ang mga businang naririnig nito kaya lalo itong kinakain ng takot sa trauma! Sakto namang nadaanan ito ni Luke na nakasakay ng taxi at napapara sa driver na makilala ang kotse niya sa gilid ng daan! Kaagad itong bumaba na nilapitan ang kotse at napasilip sa bintana. Kita nito si Chelsea na nakayuko habang takip-takip ng palad ang tainga. “Chelsea, open the door!” pagkalampag nito na ikinaangat ng mukha nito. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si

