NANIGAS sa kinatatayuan si Albert Acosta na sa isang iglap ay naubos ang mga tauhan nito! Napangisi naman si Delta na makita ang pagdaan ng takot sa mga mata ni Acosta. “You look pale, Acosta. Ganyan mo ba namis. . . ang pagmumukha ko?” paanas ni Delta na may ngising nakapaskil sa mga labi nito. “S-subukan mong lumapit. Tutuluyan ko ang pamangkin–urghhh!” Napatili si Chelsea na napadaing si Albert at may kung sinong bumaril lang naman sa kamay nitong may hawak na baril! Sumirit ang dugo sa kamay nito na nabitawan ang baril na hawak niya. Sinamantala naman iyon ni Delta na mabilis hinila si Chelsea at ikinulong sa bisig nito na pumihit patalikod kasabay ng sunod-sunod niyang pagkalabit sa caliber nito na ikinatili ni Chelsea! Parang kandilang nauupos si Albert na inubos lang naman

