“N-NO,” nanginginig na sambit ni Chelsea na nanghina at umikot ang paningin! Kaagad naman itong nasalo ni Chloe na kinarga ang dalagang nawalan muli ng malay palabas ng venue! Kuyom ang kamao ni Luke na tumulo ang luha habang nagpapatuloy ang seremonya ng kasal. Kahit gusto niyang lingunin ang mag-ama na paalis na ng venue ay mahigpit niyang pinigilan ang sarili. “I'm sorry, sweetheart. But I'm happy. . .that you're okay now,” piping usal nito. Mabilis lang natapos ang kasal ni Luke. Pagkatapos ng sermonya at pagpirma sa certificate of marriage nila ni Therese, kumain na sila kasama ang mga bisita. Kahit masasarap ang mga nakahaing pagkain ay walang ganang kumain si Luke. Tanging wine lang ang tinikman nito na halos maubos ang tatlong bote ng wine! Kahit alam ni Therese na labag sa l

