NAPATUWID ng tayo si Chloe na inayos ang polo nito nang dumating na ang mag-iina niya. Luhaan at puno ng pag-aalala ang mga mata nilang napalingon sa pintuan ng operating room. “C-Chloe, k-kumusta si C-Chelsea?” hirap na hirap na tanong ni Roselle sa asawa nitong niyakap silang mag-iina. “I don't know, wife. But the nurse said, she's unstable,” sagot ni Chloe na pilit pinatatag ang boses. “Diyos ko. Ang Chelsea ko,” usal nito na nanginginig sa takot. “Makakaligtas siya, wife. Kayang-kaya ng anak natin ‘yan. Ipagdasal na lang natin ang kaligtasan niya, hmm?” sagot ni Chloe na hinagkan sa ulo ang mag-iina nitong umiiyak. Nagtungo ang pamilya sa chapel ng hospital para ipagdasal si Chelsea. Naiwan naman si Luke sa labas ng operating room na nakatulala. Nakasandal ito sa dingding na

