PARANG binuhusan ng malamig na tubig si Luke sa mga nalaman! Hindi na nito malaman kung ano ang uunahin sa lahat ng mga kinakaharap nitong problema! “Sir, are you okay?” untag ng binatang si Euwen dito. Hindi ito sumagot na pumasok ng silid at nilapitan ang dalagang nahihimbing. “Chelsea, wake-up. We have to talk.” Maawtoridad nitong saad sa dalaga. “Hindi mo ‘yan magigising, Sir.” Nag-igting ang panga nito na naikuyom ang kamao na magsalita ang binata sa likuran nito. Kanina pa ito nagtitimpi na suntukin ang lalake pero nagpipigil lang ito. “Chelsea, I said wake-up!” may kalakasang sikmat ni Luke sa dalaga. Nangunotnoo ito na malanghap nitong amoy alak ang dalaga. Yumuko ito na inamoy ang dalaga at napapikit na makumpirmang uminom nga ito! “Bakit mo ito hinayaang uminom? Hin

