MAGKASAMANG sinundo nila Chelsea at Luke si Chloe sa Montereal’s Real Estate para kasamang mananghalian. Tila walang namagitang kababalaghan sa dalawa kung umarte sila sa harapan ni Chloe. “How's your day, sweetie? Nakatulong ka naman ba sa Ninong mo?” tanong ni Chloe sa anak nito habang magkatabi silang kumakain at kaharap nila si Luke. “Of course, Dad. I told you. Hindi ako magiging pasaway doon. Kahit tanungin mo pa ang Ninong. Tinutulungan ko kaya siya,” sagot nito na may pagmamalaki sa tono. Napangiti namang napatango-tango ang ama nito. “That's good to hear, Chelsea. At least, hindi mo na ako binibigyan ng sakit sa ulo ngayon.” Saad ni Chloe na ikinatikhim nito. Pilit itong ngumiti na umaktong normal kahit tinamaan siya sa sinaad ng ama nito. Hindi na nga siya naglalasing at

