WHAT’S about your Ate?” Napalingon ang mag-amang Chloe at Chaderick na magsalita si Roselle na palipat-lipat ng tingin sa dalawa. Kunot ang noo nito na nagtatanong ang mga mata. “Uhm, nagtalo po kasi kami, Mom. Dad.” Kaila ni Chaderick na ikinatango-tango ng mga magulang nito. Napahinga ng malalim si Chloe na inakbayan ang binata nito. “It's okay, son. Normal thing na ‘yan sa magkakapatid na may pagtatalo. And that's okay. Ang mahalaga? Ayusin niyo ‘yan ng Ate mo, hmm?” pagpapayo ni Chloe dito. “Teka, nakauwi na ba ‘yong Ate mo?” tanong ni Roselle na maalalang hindi nila nakasabay sa hapunan si Chelsea. “Opo, Mom. Kanina pa po. Baka nga humihilik na ‘yon eh,” sagot ni Chaderick para mapagtakpan ang kapatid nito. “Sige na, son. Magpahinga ka na, hmm?” wika ni Chloe na tinapik i

