NATAHIMIK ang mga ito na napatingin kay Chloe at Luke na nagkakatitigan. Tila may iba sa uri ng tinginan nilang dalawa na walang nagbabawi ng tingin. Para silang nag-uusap sa pagitan ng pagkakatitigan nila na tanging silang dalawa lang ang nakakaintindi. “Ahem! Is there something’s that I didn’t know?” ani Delta na nagpalipat-lipat ng tingin sa tatlong kaibigan nito. “Oo nga. Is there something you want to share with us, Luke?” saad ni Chloe na hindi pa rin bumibitaw ng titig kay Luke. Napalunok si Luke na binundol ng kaba sa dibdib pero hindi nagpahalata. Natawa lang ito na napailing at nagbawi ng tingin kay Chloe. “Like what, dude? Alam niyo naman ang kwento ng buhay ko,” painosenteng sagot nito na nilagok ang shot nito. “Nah. Hindi lahat, dude.” Wika ni Chloe na tila may ibang

