NAALIMPUNGATAN si Luke mula sa pagkakasubsob nito sa mesa na bumukas ang pinto. Naniningkit pa ang mga mata nitong kulang sa tulog at madaling araw na nang dalawin ito ng antok. Ni hindi na ito nakapag bihis at lumipat sa silid. “Good morning, babe!” masiglang pagbati ni Therese dito na nagsalubong ang mga kilay. Napasulyap ito sa wristwatch nito at pasado alasnueve na pala ng umaga! Napahilamos ito ng palad sa mukha na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura na wala pa si Chelsea. Hindi naman niya ito matawagan at naka-blocked siya sa dalaga. Maging si Chloe ay hindi na niya matawagan. “What are you doing here?” inis nitong tanong na bumeso sa kanya ang asawa. “Visiting you. May problema ba?” sagot nito na napahaplos sa buhok ni Luke na sabog-sabog. “Pwede ba? Hwag ka

