Emma's Point Of View Sumasabay ang neon lights sa beat ng music, maging ang mga kabataan na nandito ngayon ay kahit hindi marunong sumayaw ay napapasayaw. "Anong sa inyo, girls?" I looked at him, nakatayo ito sa harapan namin na nakangiti. He's one of Paxton's friends. Kasama namin sila ngayon sa isang bar. Friday ngayon at wala kaming klase bukas, kaya naisipan naming magliwaliw naman. At, dahil sa nagiging malapit na sa isa't isa ang mga kaibigan ko sa grupo nina Paxton, I have no choice but to agree with them na sumama sa amin ngayon. "Ikaw na bahala, John," sagot ni Vien sa kaniya. Agad namang umalis si John upang pumunta sa counter para umorder ng drinks namin. "By the way, kailan pala iyong engagement party mo, Lily?" Ivy asked, she was sitting beside her sister. Ang sexy nit

