Emma's Point Of View. "Always ka bang nandito?" tanong ko nang makaupo ako sa upuan na nasa harapan ng kaniyang squared table. May mga pagkain na siyang inilagay roon kaya bigla akong natakam dahil mukhang masasarap lahat. "Why?" Sumimangot ako sa sagot niya. Hindi nito pinansin ang naging reaction ko dahil bigla lang niya akong tinalikuran at pumunta sa isang mini freezer na nasa corner nitong mini kitchen niya. This house is just right for one person. This is just for those who want to relax and get away from the problems they left in the city. It's also good for those who want to think deeply. Iyong tipong marami ka nang problemang dinadala pero kapag nandito ka, nakikita mo iyong mga nagagandahang tanawin ay mapapawi nito ang stress na dinadala mo. Makakapag-isip ka nang malalim at

