Emma's point of view.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa takot. Mahigpit ang kapit ko sa bakal na naroroon. Pilit kong inaaninag kung sino ba iyong nagmura mula sa dilim.
"S-sino 'yan?" lakas loob kong tanong. "M-magpakita ka!"
"What are you doing here? This is my place," anito na biglang nagpakalma sa dibdib ko. "Are you escaping from someone?"
"B-bakit ko sasabihin sayo? Sino ka ba?"
Narinig ko itong tumawa at ang boses nito ay sobrang lalim. May bahid ng lambing at ang tawa niya ay parang musika.
"Miss, you don't have to know me. Umalis ka na lang sa lugar na 'to bago pa kita kainin."
Mas lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa bakal. Para na akong aatakihin sa puso dahil sa bilis ng pagtibok nito. Ngunit bakit hindi naman ako nakakaramdam ng takot?
"Hah!" bulyaw ko. "Akala mo matatakot mo ako?"
"You aren't scared huh?" Napalingon ako sa likod ko. Doon ko kasi nararamdaman na nanggaling ang boses. Ngunit tanging madilim na lugar ang bumungad sa akin. Umiihip pa ang hangin na nagdadala ng malamig na simoy.
"Bakit naman ako matatakot? Ni hindi ka naman nagpapakita. Siguro pangit ka kaya ka na sa dilim 'no?" Napangisi ako. Bigla kong na picture out ang itsura nito. Siguro marami itong pimples sa mukha o 'di kaya ay mabalahibo ito? Pero impyernes sa kanyang boses ay sobrang lalim at lalaking-lalaki.
"Ikaw bahala kung anong iisipin mo," sagot lang nito. Ang lapit-lapit lang ng boses niya kaya palinga-linga ako upang hanapin pero madilim lang ang nakikita ko.
"Teka nga! Sino ka ba at kanina ka pa ba nandito?" tanong ko.
"I'm Dark and yes kanina pa ako nandito. Don't worry, I'm a friend."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. "Talaga? Baka mamaya r**e-in mo ako," sabi ko.
"I'm not interested."
Napahinga naman ako ng maluwag. Mabuti nang nagkakalinawan dahil sa panahon ngayon ay wala na sa lugar ang mga r****t. Sandali, may lugar ba dapat?
"Mabuti naman na nagkalinawan tayong dalawa. By the way, I'm Emma," pakilala ko. Gusto ko sanang makipag-kamay upang pormal na tignan kaso baka 'di niyo abutin ang kamay ko kaya pinanatili ko na lang iyon na nakapatong sa hita ko.
"I know."
"Huh? Anong sabi mo?" tanong ko. Hindi ko kasi masyado narinig ang sinabi nito.
"Nothing. Saan ka ba pupunta? You looked like you're escaping from someone."
"Wow! Tsismoso ka rin, ano?" Napatawa ako.
Hindi ko naman nakikita kung anong reaction nito pero baka magkasalubong na ang kanyang kilay.
"I'm not," aniya.
"Then why are you asking me that kind of question?"
"Just don't answer it. I don't want to know." Tumawa ako dahil sa sinabi nito. Hindi naman napaghahalataang tsismoso 'to.
Napatigil lang ako sa pagtawa. Nang maalala kong may party pa dapat akong pupuntahan. Tatayo na sana ako pero naalala kong hindi ko pala ang dadaanan ko.
"Teka lang, matanong kita. Saan ba ang daan dito papunta sa greenwood subdivision?" tanong ko sa taong kausap ko mula sa dilim. Dark daw ang itawag ko sa kanya.
"Doon ka ba nakatira?"
"Hindi pero doon ako pupunta," aniko.
"This place is far from the address," sabi niya.
Nakatingin lang ako sa harapan ko. Kung may kasama lang ako rito at nakikita nila ako. Baka pagkamalan nila akong baliw. Bakit ba kasi ayaw pa magpakita netong taong 'to?
Napahinga ako ng malalim. "Anong oras na ba?" naitanong ko na lang.
"I don't know. Don't you have watch?"
"Hindi ako mahilig magsuot. I haven't bring my phone also." Napakamot ako sa buhok na animo'y may kuto kahit wala naman.
"Then you don't have any other choices but to stay here until the sunrise." Napabuntong-hininga ako sa sinabi nito.
"At ano namang gagawin ko dito? You're not even showing your face and this place is so creepy."
Nakarinig ako ng kaluskos mula sa gilid ko kaya napatingin ako. Gano'n pa rin, sobrang dilim ang sumalubong sa akin. Ang ilaw pa na nagsisilbing liwanag ay malabo na, mas malabo pa na makapunta ako sa party ngayong gabi.
"Don't worry, I won't leave until tomorrow."
"Bakit hindi mo na lang sabihin ang daan papauwi, para naman makaalis na ako rito?"
"How can I show the route if you can't even see it. 'Di mo ba nakikita na madilim?"
Nilibot ko naman ang tingin ko. Sobrang dilim nga rito at itong ilaw lang sa tabi ko na pinaglumaan na ng panahon, ang nagsisilbing liwanag. Bakit ko ba kasi hindi matandaan kung saan ako dumaan kanina? Kung saan ako galing?
"Fine! Promise me that you will stay here," sabi ko. Kahit na hindi ako sigurado kung aalis ba ito o hindi. Baka 'di talaga siya aalis dito dahil dito na siya nakatira?
"We'll see."
"Anong we'll see, we'll see, pinagsasabi mo riyan?" naiinis kong sabi. "You shouldn't break promises."
Tumawa ito kaya naging dahilan naman iyon nang pagtibok ng mabilis ang puso ko. Para talaga itong musika sa pandinig. Singer kaya siya?
"Okay, okay. I, promise that I'll stay with you forever." Bumuntong-hininga ako at nawala naman ang kaba ko na baka iwan ako nito. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nitong forever dahil wala namang gano'n.
Naging tahimik ako pagkaraan ng ilang sandali. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Dahil hindi ko naman ito lubos na kilala. Maging ang kanyang itsura ay hindi ko naman nakikita.
"You're living here?" tanong ko. Magmula nang makilala ko ito kanina ay na-curious na ako kung sino ba itong kausap ko.
"Nope," he simply said.
"Saan ka nakatira?" I asked.
"Far from here."
"May lugar bang gano'n dito?"
"Does it matter?" Natigilan ako sa kanyang sinabi pero agad din namang nakabawi.
"Yes! It does!" naiinis kong sagot. "I answered your question honestly. Then why can't you answer mine?"
"I can't tell you," simpleng sagot lang nito.
"Fine!" eksaherada kong sagot.
Hindi na ito nagsalita pa. Kaya nanahimik narin ako. Tunog lang ng swing ang tanging gumagawa ng mumuntong ingay. Dahil marahan ko itong ipinapagalaw.
When I was child. Me and Lily used to play in the park. Pero napaaway ako noon dahil sa pakikipag-agawan sa isang swing. Simula rin noon ay hindi na kami nakapunta sa park.
"Are you still there?" paniniguro kong tanong. Baka mamaya ay iniwan na pala ako nito. May lahi kaya siyang pusa dahil nakakakita siya dilim?
"Yes, why?"
"Nothing, I just want to know."
Hindi ito sumagot. Kaya naging tahimik na naman ang paligid. Lumalamig narin at mabuti na lang dahil nakasuot ako ng jacket. Napapahikab ako kaya isinandal ko ang sarili sa bakal na nagsisilbing lubid nitong swing.
-
Iminulat ko ang mga mata ko. Nang naging malinaw na ang lahat ay bumangon ako at tinignan ang sarili. Naririto parin ako sa lugar kung saan ako napadpad kagabi.
"Umaga na pala," ani ko sa sarili.
Inilibot ko ang paningin ko. Isa pala itong abandonadong parke at tanging ang swing na lang ang natitirang puwedeng paglaruan ng mga bata. Kasama nito ang bench kung saan ako nakahiga at may nakabalot na kumot sa katawan ko.
Kinapa-kapa ko ang sarili kung may nawala ba. Pinakiramdaman ko rin kung may masakit. Ngunit wala naman kaya napabuntong hininga ako.
Pinagmamasdan ko ulit ang lugar. Medyo pamilyar ito sa akin ngunit 'di ko maalala kung nakita ko na ba ito dati. Ang bench na kinauupuan ko ay malapit lang sa swing kung saan ako nakaupo kagabi. May mga puno rin dito. Malinis naman ang lugar ngunit walang kahit na anong bahay ang malapit dito.
"Paano ako napunta dito kung gano'n?" tanong ko ulit sa sarili. "Ugh! Ano ba iyan! Kainis!"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Yakap ko parin ang kumot na nakakasiguro akong galing ito sa taong kausap ko kagabi. Si Dark, 'yung masarap sa pandinig ang boses.
Tinupi ko ang kumot saka ako naglakad upang hanapin ang daan papauwi. Paniguradong nag-aalala na sina Mom at Dad pero bahala na. I'll just talk to them and explained everything.