"Yvette, over time ka na naman? Kaya hindi ka nagkaka boyfriend e." Kumento ng ka officemate niyang si Ricardo. Dahil alas sais na, at wala ng araw ay Rica na ang pangalan nito.
"Ano namang kinalaman ng pag oovertime ko?" Singhal ng dalaga. Hindi niya na nagawa pang tapunan ng tingin ang beki nitong katrabaho dahil abala siya sa pagsesend ng e-mails sa mga kliyente ng kanilang kumpanya.
Yvette Soriano was a Human Resource Assistant. She's been working in their company for almost five years. Dito na niya kinuha ang gastusin para sa pag susuporta sa pamilya niya. Especially sa pagpapa aral sa mga kapatid niya, pati na rin sa mga pamangkin niya.
"Huy mauna na ako sa inyo ah! Yung boyfriend ko kasi naghihintay na sa baba." Paalam ni Steph, bago tuluyang makalabas ng office. Ni hindi na nga sila tinapunan ng tingin nito dahil nagmamadali na siyang makaalis.
"Wooh! Sana all! Sana all may jowa. ." Sigaw ni Rica habang iniirap pa ang kaniyang mata.
"Oh ikaw anong plano mo 'day?"
Muli na naman siyang pinagdiskitahan ng kaibigan. Bakit ba kasi nito pinoproblema ang pagiging single ni Yvette. Samantalang hindi nga iniisip ng dalaga na wala pa siyang nobyo.
"Ricardo, wala pa akong time sa ganyan. Saka remember may pinag aaral pa ako." Nakasalumbabang paliwanag ng dalaga.
Yvette was a full time sister, tita and bread winner of their family. Panganay siya sa limang magkakapatid. At ang mga sumunod niyang kapatid ay nagsipag asawa na. Naunahan pa siya ng mga ito.
Maliban nalang sa kanilang bunsong kapatid. Na isang taon nalang ay gagraduate na rin ng college. Sa wakas ay graduate na rin si Yvette sa responsibilidad niya sa mga kapatid niya. Kaunting tiis nalang.
"Walang time? Palibhasa kasi panay ka O.T." Wala naman kasi siyang ibang pagtutuunan ng oras niya kundi ang mag trabaho. Advantage na rin para sa kaniya ang pagiging single, wala siyang ibang iisipin.
Maganda naman siya pati na rin ang hubog ng katawan niya. Hindi rin naman siya NBSB. Naranasan na rin naman niyang umibig noon. Nagkaroon din naman siya ng boyfriends noong college siya. Kaya nga lang, yung huli niyang naging nobyo ay umamin sa kanya na hindi pala babae ang bet niya. Umasa pa naman si Yvette na iyon na ang makakatuluyan niya hanggang dulo.
"Puwede ba Rica, umuwi ka na. Bago pa kita hampasin ng keyboard diyan." She rolled her eyes on him. Naiinis siya dahil siya na naman ang nakuhang asarin ng ka-office mate niya.
"Ang sungit mo, kaya walang nanliligaw sayo e." Singhal ng kaibigan at inirapan din siya nito. Yvette glared at Rica. Kung nakamamatay lang ang mga titig niya, sisiguraduhin niyang mawawalan ng malay itong kaibigan niya.
"Tse! Tumanda ka sanang dalaga!" Pang aasar nito bago tuluyang lumabas ng kanilang opisina.
Sanay na siya sa pang aalaska sa kanya ng kaibigan. Sa limang taon ba naman na pagsasama nila bilang magkatrabaho, e sawang sawa na siya sa mukha nito.
Isinandal ni Yvette ang kaniyang likod sa kinauupuan niyang swivel chair. Nang tignan niya ang oras ay six thirty na. Over time na naman siya ng thirty minutes.
Naka maternity leave kasi ang HR Manager nila kaya wala siyang ibang choice kundi saluhin ang trabaho nito.
"Oh Yvette, you're still here?" Ang boss nilang si Sherwin na lumabas mula sa opisina nito. Nasa mid 30's na din ito, at isang single dad. Hindi naman niya maipagkakailang guwapo ang boss niya. Kaya nga lang hindi ang katulad ni Sherwin ang tipong niyang lalaki.
"Isesend ko nalang po yung e-mail sir." Nginitian niya ang binata at saka itinuon muli ang tingin sa computer na kaharap.
Kaya siguro siya sinumpang maging single dahil sa taas ng standards niya pagdating sa mga lalaki.
"Baka hinahanap ka na ng asawa mo." Hindi niya napigilan ang matawa. Nagbibiro ba ang boss niya? Boyfriend nga wala siya, asawa pa kaya?
"Wala ho akong asawa sir." Paliwanag niya. Nang lingunin niya si Sherwin ay nakatitig na pala ito sa kanya.
"E di boyfriend." Muli siyang tumawa na ipinagtaka ng binata. Iniisip niya marahil kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya.
"Wala ho akong boyfriend sir." Pagtatapat ni Yvette.
"Sa ganda mong 'yan wala kang boyfriend?" Naupo si Sherwin sa swivel chair ni Rica na parang interesadong malaman ang buhay ni Yvette. Alam naman ng dalaga na isa lang iyon sa mga pambobola ng mga lalaki.
Saka isa pa, hindi pa naman siya desperadang makahanap ng boyfriend. Naniniwala pa rin naman siya na darating din ang tamang panahon para sa kanya. Age is just a number, hindi pa huli ang lahat.
"Malay mo nasa tabi tabi mo lang pala yung makakatuluyan mo." Pagpaparinig ng kanyang boss. Ano bang gusto nitong iparating? Na dapat patulan niya si Sherwin? E hindi nga niya type ang binata.
Binigyan niya ito ng pekeng tawa. Kung noon nga ay nagkahiwalay sila ng dati nitong nobya, e di paniguradong bubuntisin lang siya nito at saka iiwan. Kaya huwag nalang!
Mga lalaki nga naman!
Napapitlag ang dalaga nang ipatong ni Sherwin ang kamay niya sa kamay ng dalagang abala sa pag type sa keyboard. Wala namang ibang naramdaman si Yvette bukod sa pagtayo ng mga balahibo niya sa batok. Tila hindi siya makahinga dahil sa pagkakalapit nilang dalawa.
"Naku uuwi na pala ako!" Agad siyang napatayo at pinagpagan ang kamay niyang hinawakan ng kaniyang boss. Ano ba ang naiisip ng binatang ito? Paano kung may ibang makakita sa ginawa niya? Paniguradong pag uusapan sila sa buong department.
"Ihahatid na kita." Nakangiting alok ni Sherwin ngunit umiling lang si Yvette.
"Strict po ang parents ko e. Bye!" Agad niyang kinuha ang bag niya sa ilalim ng table niya. Nakalimutan pa niyang patayin ang computer niya dahil sa pagmamadali.
"Yvette!" Mabilis niyang nilisan ang kanilang opisina. Dahil baka kung ano pang gawin sa kanya ng boss niya. Lakad takbo na ang ginawa niya para marating kaagad ang elevator.
*Ting!*
Agad siyang sumakay sa elevator. Mabuti nalang at isa lang ang sakay nito. Hindi na niya kailangan pang makipag siksikan.
Naisandal niya ang sarili sa sulok ng elevator. Pagod na pagod ang katawang tao niya. Kung maaari nga lamang na tumigil na siya sa pagtatrabaho, ay matagal niya ng ginawa. Kaya nga lang naiisip niya kung ano nalang ang ipapakain niya sa pamilya niya. Gayung sa kanya lahat naka asa ang lahat.
Kaya hindi pa talaga siya pupwedeng mag boyfriend o mag asawa man lang dahil marami pa siyang responsibilidad.
Pagkalabas niya ng building ng kanilang opisina ay tumambad sa kanya ang mga babaeng sinusundo ng kanilang mga nobyo.
Sana lahat!
Hindi niya pa nararanasan ang ganoon. Ano nga bang pakiramdam ng sinusundo ng boyfriend o asawa pagkagaling sa trabaho? Anong feeling ng sasalubungin ka ng isang matamis na halik?
Napangiwi siya habang pinagmamasdan ang mga magkaka parehang magka holding hands pa.
Mag be-break din yan!
Nilagpasan niya na lamang ang mga iyon. At tinungo niya na ang terminal ng jeep. Kailangan niya ng makauwi dahil mas masarap pang mahiga sa kama kaysa magka jowa.
Limang taon na rin siyang commuter. Madilim siyang aalis ng bahay, at madilim na din ang paligid pag uuwi na siya. Kailan kaya matatapos ang araw araw na ganitong senaryo niya sa buhay.
Naupo siya sa tabi ng driver. Doon siya palaging pumupwesto para hindi na siya makipag siksikan sa iba pang pasahero.
"Miss, baka pwedeng dyan nalang kami maupo ng jowa ko?" Awtomatikong umarko ang kilay niya. Hindi pa nga nag iinit ang puwet niya ay pinapaalis na siya ng mga ito.
"At sino kayo para paalisin ako ha?" Singhal ng dalaga. Mainit na nga ang ulo niya ay dinagdagan pa ng dalawang kaharap niya.
"Para magkatabi kami ng girlfriend ko." Itinabingi niya ang ulo niya. Tama ba ang naririnig niya? Pinapaalis siya ng dalawang ito para lang magkatabi sila?
Kailan pa naging requirements sa buhay na dapat magkatabi ang mag jowa sa pampublikong sasakyan?
Parang gusto niyang manampal.
"Mag isa ka lang naman po e." Kumento ng nobya nito.
"Sige na Misis, pagbigyan mo na para makaalis na tayo." Ang driver naman ang nilingon niya. Mas lalo yatang nag init ang ulo niya sa narinig.
"Misis?" Itinuro ni Yvette ang sarili niya. "Ako tatawagin mong misis? Wala nga akong asawa!" Pinagtitinginan na sila ng iba pang pasahero.
"Sige na miss pagbigyan mo na para makaalis na tayo." Sigaw ng isang pasahero mula sa loob. Na sinang ayunan naman ng iba pang pasahero.
Aba! Bakit parang siya pa ang mag aadjust?
She crossed her arms at isinandal ang likod sa kinauupuan niya. Nagmatigas si Yvette at hindi na pinansin pa ang nasa paligid niya.
"Kung hindi ka po mag aadjust hindi tayo aalis dito." Pahayag ng driver. Nagtangis ang mga ngipin niya. Sa palagay niya ay baka maka sapak siya ng tao ngayon dahil sa inis.
Agad niyang kinuha ang wallet niya mula sa bag.
"Oh, babayaran ko na 'tong isang upuan!" Mariin niyang sambit. Nagawa niya pang irapan ang dalawang mag jowa na nasa labas lang ng jeep. Akala niya siguro ay matitinag siya ng dalawang iyon.
"Maghihiwalay rin kayo!" Kumento niya nang paganahin na ng driver ang jeep.
"Tumanda ka sanang dalaga!" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng babaeng iyon.
Bakit kapag sa ibang tao niya iyon naririnig ay tila nasasaktan siya? Para bang ipinapamukha sa kanya na wala na siyang pag asang magkaroon man lang ng asawa.
Hindi niya tuloy alam kung tadhana ba na maging single siya o isa iyong sumpa.
Yvette naman kasi, ang taas ng standard mo!
Bulong niya habang nakatingin sa side mirror ng jeep.