2weeks after nila mag bar ay balik normal ulit na school at bahay si Pau pag weekdays at pag weekend naman ay sa karinderya sya ni aling minda.
Nalaman nya din na kaya nag yaya mag bar si crystal ay dahil niloko nanaman ito ng boyfriend nyang feeling gwapo. Ewan ba nya sa kaibigan nya maganda naman ito bakit gustong gusto yung mukang isda nayun dahil sa laki ng nguso. kaya ayaw nya pang mag nobyo dahil bibihira nalang ngayon ang lalaking totoo at seryoso, mas mabuti pang pag aaral ang atupagin nya kahit hirap syang ipasa yung mga subject nya ay pipilitin nya para makatapos sya at ayaw nya ding biguin ang magulang nya dahil ika nga nila na sya nalang ang inaasahan nilang makatapos dahil ang mga kapatid nya ay maagang nagsipag asawa.
Sabado ngayon at nasa karinderya sya, laking pasalamat nya kay aling minda dahil ito mismo ang nag alok sakanya na magtrabaho dito tuwing sabado at linggo, kaya kahit hindi na sya bigyan nang kanyang nanay at tatay ay may pang baon padin sya, huling taon nya na sa kolehiyo kaya natutuwa sya na kahit hndi ang gusto nyang kurso ang kinuha nya ay makakatapos na sya at matutupad nya na ang hiling ng kanyang mga magulang.
"Pau, kuhain mo ang order nung bagong dating na pogi" utos sakanya ni Joana ang baklang pamangkin ni aling minda.
"Ikaw talaga basta pogi ang bilis ng mata mo" sagot nya dto.
"Dalian mona at ikaw ang tinitignan, baka pag ako ang lumapit mandiri at umalis" tumatawa nitong sabi kaya lumingon ako.
Nagulat ako na ang lalaking tinutukoy ni Joana ay si Timothy na nakilala ko sa bar 2 weeks ago, nang makabawi sa gulat ay linapitan kona ito.
"uy ikaw pala, anong oorderin mo?" bati ko dito sabay tanong nadin nang order nya.
Ngumiti ito na mas lalong nagpapogi dito. "Gusto ko ng kare-kare at chicken curry, tsaka....... Ikaw?" halos pabulong nalang ang huling sinabi nito pero naintindihan nya ito.
"Ha...... A-nong A-ko?" nauutal nyang tanong.
"I mean Ikaw Kumain kana ba? can you have your lunch with me?" nakaramdam sya ng hiya dahil iba ang nasa isip nya.
"A-hhhh nag tatrabaho pa kasi ako ihh, baka magalit din si aling minda" sagot nya dito.
Saglit itong lumingot at saktong nakatingin si aling Minda kaya kinawayan nya ito. "Yes sir ano po iyon?" nakangiting tanong ni aling minda.
"I just want to ask if Pau can have her lunch with me?" Diretsong tanong nito kaya halos lahat ng kumakain sa karinderya ay napatingin sa direksyon namin marahil nagtataka sila na may lalaking naka amerikana at de kotse na kakain sa maliit na karinderya ni aling minda at tinatanong pa nito na kung pwede syang kumain kasabay nito.
"ayyy yes sir, pwedeng pwede po" mabilis nitong sagot.
"okay thank you" pasalamat nito sabay balik ng tingin saakin "there she said it's okay so can you have your lunch with me?" wala syang nagawa kundi ang sumabay dto sa pagkain dahil nakakahiya naman kung tanggihan nya ito.
Halos dalawang linggo palang simula nung magkakilala sila kaya medyo nahihiya padin sya, kahit lagi itong nag message sakanya at tumatawag paminsan ay iba padin pag sa personal na.
Mas lalo pa syang nahiya dahil lahat ng mata ay na sakanilang dalawa. "are you okay, you look uncomfortable?" tanong ulit nito.
"Ay hndi okay lang ako, nga pala bat napunta ka dto? mukang galing kapa sa trabaho" pag iiba nya ng usapan para din hndi nito mapansin na hndi sya komportable sa tingin ng mga tao.
"yeah, I just want to breath for a bit so I came here to see you" dirediretso nitong sabi, mabilis naman ang pagkalat ng pula sa muka niya, at siguroy napansin nito iyon kaya bigla itong ngumiti.
"Lord ito naba? sign naba to? my ghad lord binabawi kona na hndi ako mag jojowa" Sabi nya sa isip nya.
"Let's eat, baka lumamig na ang pagkain" Naka ngiti nitong sabi na nagpabalik sa kanyang ulirat.
"ahhh oo sge" pagkatapos kumain ay nagkwentuhan pa Sila saglit saka ito nagpaalam na babalik na sa trabaho, hinatid nya ito sa tapat mismo ng sasakyan nito na nasa malapit lang din sa karinderya.
"Sge bye, ingat ka sa pag dadrive" paalam nya dito.
"ahh pau i wanted to tell you something" Sabi nito habang kumakamot-kamot pa sa batok nito, kaya humarap ulit sya dto para pakinggan Ang sasabihin nito.
"ahh kasi, i really wanted to ask you, kung ano...... kung pwede ba kitang ligawan?" Sabi nito na ikinagulat nya.
"I really like you, can you please allow me to court you ?" naestatwang nakatingin lang sya sa lalaki hndi alam ang isasagot dahil unang beses nyang matanong kung pwede ba syang ligawan na parang may pagmamakaawa pa na payagan nya.
Alam nya sa sarili nya na hndi sya kagandahan pero may ibubuga din naman kung mag aayos sya palagi, pero ang hndi sya makapaniwala na ang lalaking nasa harapan nya ngayon ay gusto syang ligawan, hndi maikakaila na mayaman ito dahil sa itsura nito at de kotse pa ito, Anong nagustuhan nito sakanya eh alam naman nito ang estado ng buhay nya dahil naikwento nya na dto iyon sa halos dalawang linggo nilang pag uusap sa cellphone.
"alam ko kakakilala palang natin pero, I
don't want to waste time at baka maunahan pako ng iba." Sabi ulit nito nang walang natanggap na sagot galing saakin.
"ahhh oo nakakabigla kasi, can i ask kung ano ang nagustuhan mo saakin?" sabi nya ng makabalik sa wisyo.
"Your different, I know from the first time I saw you that you are different, and im glad that i approach you first that night because lot of guys wanted too" mahaba nitong saad.
Naguguluhan padin sya, Anong klaseng different? sa muka ba? hndi ba sya mukang tao? hndi nya alam ang isasagot kaya sinabihan nya nalang ito na pag iisipan nya.
"I'll wait for your answer Pau" Sabi nito bago nagpaalam sakanya na aalis na.