Tahimik akong umupo sa pinakagilid na table dito sa coffee shop, sinigurado kong kitang-kita ko si Miel mula sa pwesto ko. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako makikita – bigla siyang tumayo at papunta sa counter. Madadaanan niya ako! Teka, bakit ba siya pupunta ng counter? May waiters naman ah. “Ma’am, may I take your order?” Agad kong hinablot sa waitress ang menu at tinakip sa mukha ko. Sinilip-silip ko siya sa menu. “Ma’am?” Ugh. The waitress. “Wait lang ha?” I mouthed to her. Siguro nagtataka na ito sa kinikilos ko. Nang makalampas na si Miel sa akin ay kinuha ko na ang pagkakatakip. “Ah, creamy bland nalang sa akin,” mabilisan kong order. Akmang uulitin niya pa ang order ko pero pinutol ko na siya. “1 creamy bland, opo.” At inabot ang menu. Pasensya ka na ateng waitress,

